3 days post partum of a CS Mom

Mga mommy, one thing I realized nung na CS ako is kahit gustuhin mo man manormal delivery si baby kung may emergency talagang mangyayari wala ka magagawa kundi tanggapin kung ano ang dapat na ikakasafe ni baby. Di ako nag handa na pwede pala ako maCS. Lagi ako nag prepray, nag iisip ng positive na dapat normal delivery, at lahat na ginawa kong paraan mag normal delivery lang. Kaso di ko inexpect na sobrang liit ng cervix ko kaya kahit anong gawin CS talaga kakalabasan. 3 days ako nagtiis ng labor maging 10 cm lang kaso hanggang 8cm lang talaga siya di na makalabas ulo ni baby. Kahit anong ire ko ayaw talaga kaya sabi ng OB ko wag na pilitin kasi kawawa ang bata. Maaapektuhan ang utak. Kaya nagdecide na ko mag paCS. At ngayon, nagrerecover na sa tahi at sakit. Ang hirap pala. Ngayon narealize ko na pantay pantay lang ang mga mommy normal delivery man or CS. Lahat nagsasacrifice, lahat nasasaktan dahil sa panganganak. Pero lahat nman ng sakit at hirap napalitan nung makita ang baby ma bunga ng paghihirap. Tips ko sa mga FTM na manganganak palang. Iprepare nyo rin sarili niyo na may possible kang maCS kasi di niyo talaga masasabi kung ano mangyayari sa araw ng panganganak nyo. Magprepare din kayo sa payment kasi nakakalagnat ang gastos ? Ngayon, pure breastfeed ako kay baby ang hirap kasi kailangan mo tiisin ang sakit ng stitches maging komportable lang siya sa pag dede. Okay lang sakin para nman sa kalusugan ni baby kasi before ako manganak minind set ko na sarili ko na dapat pure breastfeed ako kay baby. Buti nalang si mama supportive siya sa pag brebreastfeed ko kasi lahat kami dati breastfeed magkakapatid. Laking tulong para mas lalong lumakas gatas ko. Kaya thanks God sa mama ko at hubby ko na nag aalalaga saming dalawa ni baby. Saludo ako sa lahat ng mommies out there! Normal delivery man or Cs section. Godbless you all!

3 days post partum of a CS Mom
47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Totoo yan sis. Kahit pa gustuhin mong mainormal si baby kung magkaka emergency wala ka talagang magagawa, normal ako sa panganay ko 10 hrs akong naglabor tapos ecs ako sa second baby ko, yung tipong umiiyak nako dahil nagsasabay yung sakit ng tahi ko tapos ng dede dahil sa sugat na nagdudugo na pero tiis lang para kay baby.

Magbasa pa

proud Cs here! twin boys pa sakin kaya kahit napaka sakit p ng tahi super need mgpadede sa kambal..sabi need ng pahinga...kaso sakin wla akong pahinga ksi nga twins so halos wla din ako tulog...yung isa gising nadede after mtulog ung isa nmn ggising at mag dede..pero ok lang kasi masyang masya ako..palakas ka mommy😊

Magbasa pa

SA PANGANAY KO NORMAL DELIVERY AKO. SA BUNSO NA CS AKO KASE BIGLA BUMABA HEARTBEAT NI BABY 4CM PALANG AKO. NA EMERGENCY CS AKO.KAHIT AYOKO MA CS PERO KAILANGAN SA KALIGTASAN NI BABY. NOW WALA PA 1MONTH NAKAKATAYO AT NAKAKGALAW NAKO MAAYOS. MAGALING OB KO MAG CS😂

Same here! Cs den ako sobrang hirap na hindi ka nakakakilos nung time na lumabas si abby na gustong gusto mo na syang kargahin at hagkan pero hindi pa pwede dahil may tahi kpa. Pero sobrang worth it marinig mo lang iyak ng baby mo sa operation room huhu.

VIP Member

Congrats mommy! Yes talagang kailangan pag handaan yung mga ganyan kailangan talaga nasa mindset na natin yung mga pwedeng mangyari kasi minsan kahit planado na may mga pangyayari talaga na hindi umaayon but and thank God kasi safe kayo pareho ni baby.

Totoo yan dapat financially, emotional at physical ready tayo. Ako kahit pangalawa pagpanganak ko sa 2nd baby ko inisip ko baka maCS ako kaya niprepare ko na lahat pati gastos kasi masakit sa bulsa buti normal parin.

Yes same sis,akala ko rin mannormal ko,3cm na d ng oopen cervix ko, pumutok pnubign ko and nkapupu n c baby nochoice ksa mainfection c baby,cs bagsak,pero thanks God safe nmn c baby,dpt tlg may extra

Proud CS mamsh here too!!! Totoo yan mamsh gustuhn man nating mainormal peo pg kailangan na ilabas at di talaga kaya inormal para sa baby natin ipupush din natin. 😊Congrats po😍

Same here. Ayoko sana maCS kaso mababa ang placenta ko kaya kelangan talaga iCS. To the point na tinanggal na matress ko due to placenta accreta. 😭

What a great story sis. ☺️ Congratulations!! Ang sarap maging ina kahit mahirap, lahat kakayanin natin para sa mga anak natin. 💙