3 days post partum of a CS Mom

Mga mommy, one thing I realized nung na CS ako is kahit gustuhin mo man manormal delivery si baby kung may emergency talagang mangyayari wala ka magagawa kundi tanggapin kung ano ang dapat na ikakasafe ni baby. Di ako nag handa na pwede pala ako maCS. Lagi ako nag prepray, nag iisip ng positive na dapat normal delivery, at lahat na ginawa kong paraan mag normal delivery lang. Kaso di ko inexpect na sobrang liit ng cervix ko kaya kahit anong gawin CS talaga kakalabasan. 3 days ako nagtiis ng labor maging 10 cm lang kaso hanggang 8cm lang talaga siya di na makalabas ulo ni baby. Kahit anong ire ko ayaw talaga kaya sabi ng OB ko wag na pilitin kasi kawawa ang bata. Maaapektuhan ang utak. Kaya nagdecide na ko mag paCS. At ngayon, nagrerecover na sa tahi at sakit. Ang hirap pala. Ngayon narealize ko na pantay pantay lang ang mga mommy normal delivery man or CS. Lahat nagsasacrifice, lahat nasasaktan dahil sa panganganak. Pero lahat nman ng sakit at hirap napalitan nung makita ang baby ma bunga ng paghihirap. Tips ko sa mga FTM na manganganak palang. Iprepare nyo rin sarili niyo na may possible kang maCS kasi di niyo talaga masasabi kung ano mangyayari sa araw ng panganganak nyo. Magprepare din kayo sa payment kasi nakakalagnat ang gastos ? Ngayon, pure breastfeed ako kay baby ang hirap kasi kailangan mo tiisin ang sakit ng stitches maging komportable lang siya sa pag dede. Okay lang sakin para nman sa kalusugan ni baby kasi before ako manganak minind set ko na sarili ko na dapat pure breastfeed ako kay baby. Buti nalang si mama supportive siya sa pag brebreastfeed ko kasi lahat kami dati breastfeed magkakapatid. Laking tulong para mas lalong lumakas gatas ko. Kaya thanks God sa mama ko at hubby ko na nag aalalaga saming dalawa ni baby. Saludo ako sa lahat ng mommies out there! Normal delivery man or Cs section. Godbless you all!

3 days post partum of a CS Mom
47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Buti ka pa kinaynan mo 3 days labor hehe! Ako 9hrs di na takaga kinayanan, nagpa CS na ako. And yeah, yang 1st week ng breastfeeding sobrang sakit ksabay kasi ng sakit ng nipple yung sakit sa tahi at puson na tipong nahihilo ako everytime na nagpapadede, dumodoble paningin ko. Yung pala tumataas ang bp pag sobrang sumasakit na. Sa sobrang di ko na kinaya yung sakit and nagdudugo na yung nipple ko, napilitan na ako magpump on 6th day kahit sbi nila masama. Nag bottle feeding ako ng breast milk ko. So far, naging okay naman. And sa ngayon, hindi na masakit kahit magpadede ako ng magpadede. Pump ka sis pag hinding hindi mo na talaga kaya yung sakit

Magbasa pa

Congratulations mama! ✨ The same thing happened to me, sa first baby ko emergency CS din ako and I was not prepared at all. Nagka-PPD din ako so hindi ko na-breastfeed baby ko. Just gave birth via scheduled CS last November and it was a better experience than the first. But that doesn’t mean it’s less painful. 😅 The first few days was a struggle talaga kasi you’re healing from the operation plus, engorged breasts, & pag hilom ng uterus while breastfeeding the baby pero kinaya naman. Right now I’m still exclusively breastfeeding my son and he’s turning 3 months. ☺️

Magbasa pa

Ako din po 3 days nag labor,simula thursday ng gabi,then friday pnta kaming er,2cm stock prin,nung saturday induction labor ako,kahit ano tinuturok sakin pra lang maghilab,sinaksakan din ako ng pampalambot ng cervix,insert primrose.dumating ang sunday may progress nman umakyat ng hanggang 9cm at dun nag stock sya ng 3 hours.makapal pa daw cervix ko,di ko na rin kaya umire.kaya 3pm schedule ko agad ng cs. Un nga lang nahirapan ako pra kay baby,kailangan nya mag stay muna sa hospital kc nahirapan sya huminga ay may problema sa blood nya. But still thankful kay God sa lahat ng bagay.

Magbasa pa
VIP Member

congrats mommy.naniniwala aq na malakas fighting spirit ng mga mommies tlga pagdating sa giving birth. fight lng ng fight dhl lht kakayanin ntn pra sa anghel ntn. ECS ako sa first born ko and before gusto ko normal but sinet aside ko un kc gusto ko prepared kme ni baby kc in some case tlga ngbbgo even my brother sbi skn dpt my pang-CS ako. sinunod ko brother ko since i have my first nephew saknila premie at CS dn hipag ko. ayun nkaraos dn msakit man pro masarap na makita ung lo ko na healthy sya.every mommies gnyn tlga nraramdaman. ❤️❤️❤️

Magbasa pa

Same here. 3 days na pala nag leak yung panubigan ni baby ko. Kaya pala kahit konti inumin kong tubig ang dami kong iniihi. Wag nyong ipagsawalang bahala ang yeast infection/vaginitis mga momsh. Yan ang dahilan kung bakit nag leak ang panubigan ng baby ko. Buti na lang hindi nag panic ang anak ko sa loob kahit konti na lang tubig nya hindi nagbabago ang heart rate nya. At sabi ng pedia nya ang lakas daw ng iyak ng anak ko paglabas. Kailangan mo igalaw galaw ang katawan mo momsh kahit masakit.

Magbasa pa

Super hirap po pagCS ka akala nila hindi tayo nahihirapan mga mommy na naCS ..ako 4days leak akala ko normal lang yung nararamdaman ko pa kasi ang layo pa sa duedate stock sa 6cm ang baby ko gustuhin ko man inormal hindi kaya kasi tumataas ang sugar ko at sabi ni ob nahihirapan na din si baby sa loob dahil sa kakaire natin nawawalan din sila ng hangin..napakablessed namin dahil healthy si baby ng lumabas kahit 14hrs kami sa labor at operating room sulit noong nakita nmin siya..🥰🥰🥰

Magbasa pa

Na emergency CS din ako kasi breech si baby haha! Buti nalang nakapag prepare din sa budget, kahit na gustuhin ko ring ma normal nun di rin daw talaga pwd sabi ng OB dahil baka raw mabali ang leeg, kaya yun sobrang sakit din. Forever sakit nga kasi pag malamig ang panahon totoo pala yung masakit din yung tahi kahit na matagal kanang nanganak. Pero worthed naman lahat kapag nasilayan na ng ligtas at healthy si baby. 😊❤️

Magbasa pa

Same here normal delivery ako sa 1st baby ko kaya di ko expect na ma cs ako sa 2nd baby ko kahit anong gawin ko nastock ako sa 2cm hanggang sa naoverdue na ako kaya pinaultrasound ako nang OB ko kaya pala di sya pwd inormal kasi malaki ang baby at maliit ang pelvic ko kaya nagdecide ako pacs na sobrang sakit nung wala nang anesthesia lalo na yung kailangan muna umupo para mabreastfeed si baby pero kaya natin to mga momsh

Magbasa pa

Relate ako sis,d ko rin talaga akalain na ma cs din ako nung feb.5 induced labor ako hangang 5 cm lng talaga pumutok n panubigan ayaw talaga lumbas ni baby kya un emergency cs nko. kaso c baby ayaw n dumede skin kc nag karon ako ng gatas feb.8 na ngaun khit anung gawin ko ayaw nya na dumede skin....kya ngaun para kong lalagnatin sa gatas ko sakit ng mga braso at dibdib ko.

Magbasa pa
5y ago

sayang nmn po milk nyo..natry nyo po ba mgpump nlng den un nlng po padede kay baby. possible po ba un??🤔 suggest lng po..

same momsh! no worries it will get better. mga 5 days ok ka na nyan. naka adjust n ung katawan mo. ako nga nasalinan pa ng dugo kaya need imix feed si baby kasi nanghihina ako. prepare mo lng sarili mo s constiption 😅 Pero awa ng Dios malalagpasan din natin laaht 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 congrats momsh 😍🥰😘

Magbasa pa