3 days post partum of a CS Mom

Mga mommy, one thing I realized nung na CS ako is kahit gustuhin mo man manormal delivery si baby kung may emergency talagang mangyayari wala ka magagawa kundi tanggapin kung ano ang dapat na ikakasafe ni baby. Di ako nag handa na pwede pala ako maCS. Lagi ako nag prepray, nag iisip ng positive na dapat normal delivery, at lahat na ginawa kong paraan mag normal delivery lang. Kaso di ko inexpect na sobrang liit ng cervix ko kaya kahit anong gawin CS talaga kakalabasan. 3 days ako nagtiis ng labor maging 10 cm lang kaso hanggang 8cm lang talaga siya di na makalabas ulo ni baby. Kahit anong ire ko ayaw talaga kaya sabi ng OB ko wag na pilitin kasi kawawa ang bata. Maaapektuhan ang utak. Kaya nagdecide na ko mag paCS. At ngayon, nagrerecover na sa tahi at sakit. Ang hirap pala. Ngayon narealize ko na pantay pantay lang ang mga mommy normal delivery man or CS. Lahat nagsasacrifice, lahat nasasaktan dahil sa panganganak. Pero lahat nman ng sakit at hirap napalitan nung makita ang baby ma bunga ng paghihirap. Tips ko sa mga FTM na manganganak palang. Iprepare nyo rin sarili niyo na may possible kang maCS kasi di niyo talaga masasabi kung ano mangyayari sa araw ng panganganak nyo. Magprepare din kayo sa payment kasi nakakalagnat ang gastos ? Ngayon, pure breastfeed ako kay baby ang hirap kasi kailangan mo tiisin ang sakit ng stitches maging komportable lang siya sa pag dede. Okay lang sakin para nman sa kalusugan ni baby kasi before ako manganak minind set ko na sarili ko na dapat pure breastfeed ako kay baby. Buti nalang si mama supportive siya sa pag brebreastfeed ko kasi lahat kami dati breastfeed magkakapatid. Laking tulong para mas lalong lumakas gatas ko. Kaya thanks God sa mama ko at hubby ko na nag aalalaga saming dalawa ni baby. Saludo ako sa lahat ng mommies out there! Normal delivery man or Cs section. Godbless you all!

47 Replies

Congrats po. Hinahanda ko na din sarili ko ma CS if ever. But still praying for normal delivery. Congrats sa iyo mommy

Congrats po! Saludo po ako sa inyu. Bahala na po siguro yung gastos , ang importante is safe si baby.

Emergency CS din ako 😊 walang katumbas once na nakasama at nahawakan mo na ang baby mo 😊

Congrats mumsh! Thank for sharing your journey. Nakakainspire for expecting mom like me.

Congrats mie true lht tlga pntay pntay dnas q m c,s at m normal tpos wla baby q...

Dlwa n baby q sna kso after birth bnbwi smin n ppa god dipa tlga cguro pra s amin...pio now pregy q 26weeks and 2dys sna pra s amin n2

VIP Member

Congrats momsh. A lot of realization talaga once you become a mom. ☺

Almost the same experience and realizations. Congrats momsh! 💖

VIP Member

Congratulations mommy. God bless sainyo ni baby 💕

VIP Member

congrats momsh, sana all makaraos na ❣️💜

.. Congrats, lhat tlga nag ssakripisyo

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles