Mga mommy, tapatan na po. Mahal nyo ba mga byenan nyo? Hehe

39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Syempre naman, nanay parin sya nang husband ko na pinag bubuhay akong reyna ngayon hehe. Mahal ko naman kahit papano yun kahit na pilit nyang nira-rival saken yung bunso nyang anak (hipag) ko haha. Parang bata lang eh, pag may mga gamit akong bago pilit bnibida anak kesyo meron din syang ganyan/ganito natatawa nalang din ako kasi mas alam ko naman sa sarili kong mas angat ako kaya ganon sya. Ang gusto ko lang sa byenan ko kahit na medyo may pgka pakialamera pinag bibigyan ko nalang kasi pg may ngagawa mali na sinasabi ko sa asawa ko di naman nya sila kinakampihan, at mas nakakaunawa kami isa pa ramdam ko naman na di porke manugang nya lang ako e ako lang rerespeto, may respeto din sya sakin kasi takot nga sa asawa ko nag iisang lalaking anak kase thank God hindi mamas boy hehe. Basta mahal ko yun kasi siya parin ang nag iisang ina nang asawa kong mahal na mahal ako ngayon lalo mag kakaanak na kami mas lalo pa nya ako minahal, kaya ngpapasalamat narin ako sa nanay nya for raising a good son.

Magbasa pa
VIP Member

Yes na yes. Kasi una palang ginoal ko pakisamahan at respetuhin sya. Saka mabait naman mama ni hubby, pinagluluto kami at inaayos ang bahay. Lagi kami magkakwentuhan. Parang mag kumare nga kami minsan mag kwentuhan kaya sobrang saya ko. Saka magkasundo kami dahil ako kaya ko lahat ng gawaing bahay, mula dumating ako, ako minsan naglalaba at madalas na nagpaplantsa ng damit ng asawa ko. At pag nag aaway sila mag ina, ako mismo pinag aayos ko sila. Minsan nasa part din ng mga daughter in law na dapat tayo ang mag reach out sa kanila sa una at lambingin din natin.

Magbasa pa

ofcourse! my hubby was adopted by his parents when they retired from work and all of their children were grown ups, my in-laws never treated us differently and are very generous to us despite both of us have decent jobs. Whenever we visit them, my MIL would always insist to give us money sa ginastos namin pamasahe, the same every Christmas, she would give all of us pamasko. Very sweet and caring, won't exchange both of them to anybody else 😊

Magbasa pa

Ung mother in law ko HINDE. sugalera kase tas lagi pa nahingi samen ng pera ni lip pag hinde nabigyan kung ano ano sasabihin hilig pako pakelaman sa anak ko which is wala naman ako ginagawang mali sa anak ko. akala nya di kme nauubusan ng pera ung pra sa anak ko sknya pa napupunta. mshado pang ambisyosa sorry for the word pero un ung totoo pag my nakikita sya sa ibang tao gusto nya sya din meron kahit hikahos na kme sa buhay.

Magbasa pa

di ko pa sila namimeet eh(malayo kase sila).pero ang pangit kase ng unang meet namen πŸ˜… ung galit na galit sa akin kaya i can't say, pero nung nalaman nila na buntis ako, nagpapadala naman sila ng pagkain galing probinsya at lage kinakamusta si baby after ko manganak pero dahil natrauma ata ako nung unang meet up namen, never ko pa nakakausap ang in laws ko since then

Magbasa pa

mahal, kahit alam kong ayaw nila sakin. kahit madaming masasakit na salita natanggap ko. mahal ko sila kasi mahal sila ng partner ko. at natutuwa naman ako kahit minsan nagustuhan nila ako kundi lang sila na brainwash ng ex ng partner ko. but its ok, ang mahalaga alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama sa kanila. nirerespeto ko sila. 😊

Magbasa pa

hinding hindi mangyayare na mahalin ko byanan ko unang una palang inuwi ako ng asawa ko sa knila palagi nya pinapapunta ex ni hubby sa kanila 2nd nabuntis ako muntik mag 50/50 pero ano sabi nya asikasuhin lang apo nya..3rd nanganak ako ni minsan hindi ko naramdaman na sinuportahan nya ko at 4th lumalaki anak ko ni hindi nya maituring na apo..

Magbasa pa
VIP Member

yung mother in law ko lang ksi mabait yun ung father in law ko ayaw ko iba ugali and proud pa sya sa ugali nya panay sumbat sa asawa ko ni piso wala nman naitulong sa apo nya hindi din naman sya nag aalaga sa anak ko mother in law ko lang gsto sila mag alaga pero panay sumbat nman eh pde nman mgulang ko nkikipag agawan pa.

Magbasa pa

no, pano ko mamahalin ang byenan ko kung sinabihan nya ang anak ko na sana mamatay na at di daw nila tanggap sa pamilya nila. tapos may favorite na apo pa. at sobrang mapang lait akala mo perpekto eh buhay nga nya di nya maayos, akala mo naman pinapakain nya kami mag asawa para mag salbahe samin.

I'm a dad, at first syempre mga in laws natin medyo masungit at parang laging mainit ulo pag may ginawa tayo. What I did was kahit ramdam ko yun intimidation nila I kept respecting them and patuloy akong nakikisama never ko silang binastos o sinagot. ngayon sila pa sumbungan ko kada aawayin ako ni misis hehe.

Magbasa pa