βœ•

Preterm Labor & Preterm premature rupture of the membranes

Hi mga mommy share ko lang yung experience ko.. Feb. 12, 2020 around 7:30pm katatapos ko lang mag snack tapos bumalik na ko sa room namin then pag higa ko may naramdaman akong parang reglang bumulwak ganun yung feeling tapos pag check ko sa undies ko water sya madami as in basang basa yung underwear ko so nag tanong ako sa tita ko at hipag ko kung normal ba yun at pareho sila ng sinabing hindi nila naranasan yun so ako confused pa rin kung ano yung tapos habang nag lalakad pabalik ng room may naramdaman nnaman akong lumabas na water.. (1st pregnancy ko po kaya wala talaga ko alam kung ano ngyayare sakin that time) so nag chat na ko sa lola ko sa kapatid ko sinabihan ko na rin yung asawa ko tapos di ko pa rin alam gagawin sabi lang sakin mahiga muna at itaas ang paa ko at nung dumating yung asawa ko after 20 mins dinala nya na ko sa hospital.. Pag dating sa ER sinabi ko yung nangyare after ng interview sakin dinala agad ako sa OR (dun palang nag sisink in sakin na "Hindi basta basta yung nangyari" nung una kasi ayaw ko pa mag padala sa hospital dahil wala naman ako nararamdaman) may isang room dun na minonitor ako at si baby..may nilagay na strap sa tyan ko para mamonitor ang heart beat ni baby at kung may contraction.. Habang minomonitor pumasok yung resident OB tapos nag explain ng posible na nangyayare sakin.. After ng pag monitor may ginawang procedure yung ob nag IE sya tapos chineck kung sa panubigan ba talaga nangagaling yung nalabas at confirmed! Amniotic fluid nga yun.. So nag explain sya ng mga possible na mangyare dun palang umiiyak na ko dahil sabi nya pwede lumabas si baby 23 weeks palang sya at pag lumabas sya di nya pa kakayanin ?.. Maya maya dumating yung OB ko talaga at inexplain yung result ko sabi okay naman ang heart beat ni baby pero may contraction na daw ako (di ko alam na nahilab na pala ang tyan ko.. Yung paninigas at parang ngalay yung likod ko isang sign na pala yun) Sabi nya na ittry muna ako ihydrate para mapunan yung water na nawala.. Bibigyan rin ako ng antibiotic at pampakapit kay baby.. Sabi pa ng ob ko na kung gusto na talaga lumabas ni baby di na namin mapipigilan dahil kung hydrate sila ng hydrate sakin at oatuloy ang pag leak ng amniotic fluid ni baby infection ang kalaban namin dalawa kaya sabi nya na dalawang option lang kung okay at tumigil yung leak itutuloy ng pag bubuntis pero kung hindi na enough ang fluid ang natural reaction daw ng katawan e ilabas si baby sobrang nanghina ko sa narinig ko at sobra kong naiyak di ko kakayanin pag nawalan ng heart beat ang baby ko.. Thank God after 3 days okay ang heart beat ni baby normal at yung amniotic fluid ko is enough naman.. So pinauwi na kami ng ob ko at nag home medication nalang ng antibiotics at duvadilan at syempre bed rest ng 3weeks.. Thanks God talaga at di nya kami pinabayaan.

57 Replies

Mommy same situation, pumutok na din panubigan ko ng Dec 27, 2019. Nag worry ako pero yung kapatid ng asawa ko nagalit pa sakin na masydo daw akong nag woworry baka ihi lang daw yun na hindi ko napigilan my anak na din kasi un. Tpos nakinig nmn ako sknya. Pumasok pa nga ako sa, work ng 2days eh. Kinabukasan nararamdaman ko pa si baby gumagalaw pero Dec 29, hindi na siya magalaw. Minsan kasi my times na d siya msydo magalaw ako nmn hnyaan ko lng hangang sa Dec 30 sumama pa ko sa family reunion ni ung asawa ko sobrang ngalay ng balakang ko at buong katwan pag uwi nmn nagulat ako dinugo nako. Then, nag pa ER ako sa private hosp na pinapacheckupan ko sinbhan na ko ng possible na mngyri diniscuss skn magkno aabutin nmn kasi need ko na dw ma admit tlga nagulat ako sa gagastusin nmn 100k mahigit daw kasi nga 28wks pa lng si baby. Pag uwi ko nag start na ang contractions ko mayat maya na interval so nag hnap n kmi ng government hosptal, hangang sa napadpad kami ng pgh. Thank GOD at nka abot kami. Dec 31, 2019 pinanganak ko sa ER si baby ko. @ 28wks. Sobrang nag, aalalaa ako sa recovery room non, ng malaman kong ok na siya nawala na kaba ko gumanda na dn vital signs ko. Ngyon si baby ko eto na siya. Kudos sa mga Doctors ng PGH ang gagaling nila lalong lalo na sa Panginoon. Ang kasabihan nga kung talagang para sayo para sayo tlga. πŸ™πŸ™πŸ™

@anonymous yung charity pala sa ny likod er non sis sa my p. Faura

May case ako ng gnyan mamsh. Pero d nmn nasure na amniotic fluid tlga ung ngleleak. 3 times ako ng kaganyan. Bgla nlng my water na umaagos sa hita ko. Madalas pa madaling araw. Ngpacheck up ako pero d nila ncheck if amniotic nga yon. Pero feeling ko tlga un yon since ng low ung level ng amniotic fluid ko. Nbed rest ako for 1 week and nirequired na uminom ng 2L ng pocari sweat everyday within 2 weeks. Next check up okay n fluid ko. 1 month na ngayon baby ko. 😊 Pray ka lng mamsh.

Nag pre term labor din ako. Bale 2 weeks nalang bago ako mag full term. May nilagay din sila na sa strap sa tyan ko para imonitor yung contractions. Hehe ayaw ng doctor manganak ako ng maaga kaya talagang pinag bed rest nila ako sa hospital ng mag 1 week din. Awa ng dyos, naging okay naman. Pero after 1 week din non, nanganak narin ako hahahaha pinagastos lang talag ako ng anak ko sa ospital hehehe

Godbless at ok na kayo ni baby. Sabi sakin ng ob ko one sign na nakakatrigger pra magbreak ang panubigan is infection. Kpag my infection ka at umakyat ito sa matres mag cause sya para mag preterm labor then magbreak ang panubigan. Hanggat maaari iwasan daw magkainfection. Every urination wash lang with water. And 8-10glasses a day.

Dasal momshies. Maraming prayers ky Lord. Our God is amazing and powerfulm i also have a very difficult pregnancy pag naalala q nga ndi p dn aq mkpniwla n kinaya q un and now i have a healthy 4 month old. Mg quiet time k everyday read God's word and meditate. He will sustain you and your baby. 😊

VIP Member

Wag lang 3 weeks rest mommy dapat complete bed rest ka na as in literal wag ka ng lalabas o gagalaw pa. Sa bed ka lang mismo hanggang mag full term ka para mas healthy sya pag 3 weeks lang kase maselan ka pa nyan kaya kung ako sayo advice ko hanggang manganganak ka rest ka na lang!

Bali ang labas ko lang ngayon is yung follow check up ko lang takot na takot pa ko everytime na tatayo ako hawak hawak ko talaga ang tyan ko

VIP Member

god is good! nakaka amaze po ung mga simpleng gesture ni god ano. naiyak ako sa kwento mo mamsh.. cguro dhil saksi rin ako kung gno kbuti ni god sakin.. anyways.. keep on praying lang mamsh mag ingat po kau ni baby. πŸ™πŸ™πŸ™

VIP Member

tense aq habang binabasa momsh, naranasan q n kc n makunan. kaya sumaya puso q dhllumalaban ang baby mo. ingat k palagi at super bed rest tlga. d tau pababayaan no Lord

Same case, nung inaIE ako close cervix ko pero panubigan dn yun nagleak, infection po ang cause nyan, water therapy ako ngayon para madagdagan ang fluid and antibiotics.

Nangyari din sakin ito. Same story. Last week at 21 weeks πŸ’” buti at hindi natuloy. Sa bahay na din ako ngayon bed rest. Yung nafifeel ko contractions na din pala yon

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles