Preterm Labor & Preterm premature rupture of the membranes

Hi mga mommy share ko lang yung experience ko.. Feb. 12, 2020 around 7:30pm katatapos ko lang mag snack tapos bumalik na ko sa room namin then pag higa ko may naramdaman akong parang reglang bumulwak ganun yung feeling tapos pag check ko sa undies ko water sya madami as in basang basa yung underwear ko so nag tanong ako sa tita ko at hipag ko kung normal ba yun at pareho sila ng sinabing hindi nila naranasan yun so ako confused pa rin kung ano yung tapos habang nag lalakad pabalik ng room may naramdaman nnaman akong lumabas na water.. (1st pregnancy ko po kaya wala talaga ko alam kung ano ngyayare sakin that time) so nag chat na ko sa lola ko sa kapatid ko sinabihan ko na rin yung asawa ko tapos di ko pa rin alam gagawin sabi lang sakin mahiga muna at itaas ang paa ko at nung dumating yung asawa ko after 20 mins dinala nya na ko sa hospital.. Pag dating sa ER sinabi ko yung nangyare after ng interview sakin dinala agad ako sa OR (dun palang nag sisink in sakin na "Hindi basta basta yung nangyari" nung una kasi ayaw ko pa mag padala sa hospital dahil wala naman ako nararamdaman) may isang room dun na minonitor ako at si baby..may nilagay na strap sa tyan ko para mamonitor ang heart beat ni baby at kung may contraction.. Habang minomonitor pumasok yung resident OB tapos nag explain ng posible na nangyayare sakin.. After ng pag monitor may ginawang procedure yung ob nag IE sya tapos chineck kung sa panubigan ba talaga nangagaling yung nalabas at confirmed! Amniotic fluid nga yun.. So nag explain sya ng mga possible na mangyare dun palang umiiyak na ko dahil sabi nya pwede lumabas si baby 23 weeks palang sya at pag lumabas sya di nya pa kakayanin ?.. Maya maya dumating yung OB ko talaga at inexplain yung result ko sabi okay naman ang heart beat ni baby pero may contraction na daw ako (di ko alam na nahilab na pala ang tyan ko.. Yung paninigas at parang ngalay yung likod ko isang sign na pala yun) Sabi nya na ittry muna ako ihydrate para mapunan yung water na nawala.. Bibigyan rin ako ng antibiotic at pampakapit kay baby.. Sabi pa ng ob ko na kung gusto na talaga lumabas ni baby di na namin mapipigilan dahil kung hydrate sila ng hydrate sakin at oatuloy ang pag leak ng amniotic fluid ni baby infection ang kalaban namin dalawa kaya sabi nya na dalawang option lang kung okay at tumigil yung leak itutuloy ng pag bubuntis pero kung hindi na enough ang fluid ang natural reaction daw ng katawan e ilabas si baby sobrang nanghina ko sa narinig ko at sobra kong naiyak di ko kakayanin pag nawalan ng heart beat ang baby ko.. Thank God after 3 days okay ang heart beat ni baby normal at yung amniotic fluid ko is enough naman.. So pinauwi na kami ng ob ko at nag home medication nalang ng antibiotics at duvadilan at syempre bed rest ng 3weeks.. Thanks God talaga at di nya kami pinabayaan.

Preterm Labor & Preterm premature rupture of the membranes
57 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Take good care sis ganyan po din ako..na iihi po ako na d ku na pansin . Kas0 d kumapit si baby 33weks lumabas talaga cxa ngayun nasa incubet0r po siya ..

Habang nag babasa ako sis parang natakot ako mabuti nlng at di kau pinabayaan ng taas at kumapit tlga c baby.ano daw ang reason sis bakit nag kaganoon?

5y ago

Yun nga rin pinag tataka ng ob ko kasi wala naman ako gingawa or binuhat na mabigat that time nasa kwarto lang ako lumalabas lang ako nung kakain kaya nabigla rin ako. Pero yung kapatid ko nangyare din sa kanya yung ganto 5 mos din nag preterm labor sya kaya lang yung kanya di naagapan lumabas yung baby nya nabuhay lang ng ilang minuto.. Kaya sobrang takot ko nung nangyare skin.. Yes buti nalang strong ang baby ko simula nga nung ngyare yun lalo sya naging active ang likot na nya.. Galing talaga ni Lord

kapit lang baby, palaki at palakas ka muna bago ka lumabas para di kayo mahirapan ni mommy. will pray for you both mommy. tatagan mo loob mo.

5y ago

Thank you ❤ First time ko mag post ng ganto at sobrang natutuwa ko sa dami ng support ng mga mommies.. Salamat sa inyo lumalakas ang loob ko

Momsh, kamusta po ang first trimester mo? Ano po findings, may subchorionuc hemorrhage po kasi ako. Natatakot ako baka mag preterm labor ako

5y ago

First trimester ko wala akong naging problema kaya nga naging kampante ako na malakas na ang kapit ni baby kasi nga sabi nila na 1st trimester daw ang pina risky sa pag bubuntis pero di pala.. Hanggat buntis tayo di dapat nakakampante.. Pasensya kana momsh wala ko alam about sa subchorionic hemorrhage.. Pray lang tayo palagi na maging okay lahat sa pag bubuntis at si baby natin..

Kausapin mo lang mommy lagi si baby na wag sya maexcite lumabas at wag ka na muna mag gagagalaw mommy. Iwas din sa stress.

Para sayo tlga si baby mamsh stay strong and ingat na kayo power mamsh! ❤️❤️❤️ God is good

VIP Member

thank God at okay kayong dalawa ni baby..magbedrest ka talaga mommy..keep safe and healthy 😊❤️

VIP Member

ang strong ni baby 💪😊 kapit ka lang baby ha? para di malungkot mommy mo. stay safe sis ❤️❤️

5y ago

welcome momsh. strong nyo ni baby eh 🤗🚼

Malakas padin ang prayers just keep on praying ang caring for your pregnancy mommy 😭❤️

bed rest ka muna mommy para wala mangyari masama sa inyo ni baby mabuti at the end maganda resulta..

5y ago

Kaya nga e until now natatakot pa rin ako everytime na tatayo ako hinahawakan ko maigi ang tummy ko.at bawat galaw kinakausap ko si baby