Bad dreams or Good Dreams
Hi mga mommy. Share ko lang.. Sobrang madalang ako managinip, parang once in a blue moon kumbaga. Nanaginip ako na tumagas o pumutok yung panubigan ko as in basang basa 2 hita ko para kong naliligo tapos sumigaw daw ako at nttaranta at natatakot na ewan. Tapos nung may sumaklolo na sakin bigla na ata nadilat mata ko nun at nagising nako. Tapos hinanap ko sa google possible na ibig sabhin ng panaginip ko. Natakot naman ako sa nabasa ko. Parang may ibig ipahiwatig talaga dream ko kasi alam nya na lagi akong nagiisip kung mbubuntis na ba ko o hindi at sobra ang kagustuhan ko na magkababy na at lahat gingawa namin mgasawa para lang magkababy. At sakto naman din sa mga nsabi ng doktor ko na baka magkamiscarriage ako. Di ko lam kung ngkataon lang ba talaga or what. Umaasa nlang talaga ako na wla nmang ibig sbhin na masama yun.Lagi ko nga kinkausap tummy ko kahit wala pang laman ngyon na sana mabuo na sya sa loob ko. Pilitin nyang mabuo at tulungan nya ko magpray kay Papa god na ibigay na sya samin. May nkapanaginip din ba sya sa inyo ng kagaya sakin?