8 Replies
Saakin po mi, first born ko hanggang 3yrs old sya nag pacifier. Napag-usapan namin ng partner ko after 3rd birthday nya tatanggalan namin sya. Bali 3yrs and 1month nya na namin natanggal. Suffer kami sa gabi ng 1month din dahil nag iiyak sya sa gabi hinahanap pacifier. Wala kaming magawa kundi ituloy-tuloy nalang. Ngayon 4yrs and 4months na sya. 1yrs na syang walang pacifier. Need lang po talaga mag sacrifice ng ilang gabi sa pag-iiyak mi, after non masasanay na sya. Habaan lang po natin pasensya sakanila. Of course nakaka-inis kase sa gabi sila mag iiyak iyak.
Saakin mi 1yr and 6mos sya. Nung mga 1yr and 2mos ya nahulog dikona pinakuha kaso iyak ng iyak. Pero nitong march gabe nung naglalaro sya. Nawala bigla di ko mahanap hinayaan ko sya matulog kahit pag nalilingat sya umiiyak. Tinatapik ko nalang sya. Kina umaga nakita ko yung pacifier nya diko na binigay. Yun nasanay na sya kase mas gamit nya kapag day time pero patulog sya tinatanggal nya
4 months old po anak ko,kusa na po nyang tinanggal ang pacifier nya. Kahit isubo ko ayaw na po,iniluluwa nya. At the age of three,nakakakain na po mag-isa ang anak ko sa sarili niyang plato using spoon. Kahit gusto kong ituring na "baby" ang anak ko,di pwede eh,nagugulat na lang kasi ako dahil marami syang natututunan at early age kahit diko pa man naituturo.
Para po sa akin ay better if hindi na sya magpacifier. Hahanapin at iiyak po sya sa umpisa pero masasanay rin po sya. Source of comfort na po kasi nya ang pacifier, so better po to offer other alternatives like hugs and cuddles, lullaby, story time, etc.
much better siguro talaga mi kung papastop mo na sya magpacifier..siyempre sa una iiyak talaga yan kasi nakasanayan na nya pero pag nagtagal makakalimutan nya dn yan..aliwin mo nlng mi libangin mo sa ibng bagay basahan mo ng bed time story ganun..
unti-unti lang na hindi ipagamit mi. hanggang sa masanay sya na wala na.
hindi ko pa po tinatry pero try nyo po yung sya mismo magbabye sa pacifier nya.
Thank you mi ❤️
Anonymous