3 yrs old gumagamit pa din ng pacifier

Mga mommy po ba dito na yung 3 yrs old toddler nila nag pa pacifier pa? ilan taon po nag stop sa pacifier yung baby nyo? sila po ba kusa nag stop? baby ko kasi 3 yrs old na since pinanganak ko sya until now nag pa pacifier pa sya nag try ako kagabe na hndi ko sya bigyan ng pacifier na iyak hinahanap sakin na sanay kasi sya na pag matutulog sya nka pacifier kaya ka gbe hndi ko sya binigyan naawa ako pero nka tulog nmn sya. naiyak na lng ako kasi feel ko hndi na sya baby lumalaki na sya 😢. nagalit nmn yung tatay sakin kasi baby pa daw sya ibigay ko daw yung pacifier nya kapag matulog sya kasi protection din daw yun sa kanya kasi pag natutulog sya naka dapa sabi nya aayawan din nya daw yun pag lumaki na sya. pa enlighten nmn mga mi kung ok lng ba nag pa pacifier pa din sya?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Saakin po mi, first born ko hanggang 3yrs old sya nag pacifier. Napag-usapan namin ng partner ko after 3rd birthday nya tatanggalan namin sya. Bali 3yrs and 1month nya na namin natanggal. Suffer kami sa gabi ng 1month din dahil nag iiyak sya sa gabi hinahanap pacifier. Wala kaming magawa kundi ituloy-tuloy nalang. Ngayon 4yrs and 4months na sya. 1yrs na syang walang pacifier. Need lang po talaga mag sacrifice ng ilang gabi sa pag-iiyak mi, after non masasanay na sya. Habaan lang po natin pasensya sakanila. Of course nakaka-inis kase sa gabi sila mag iiyak iyak.

Magbasa pa

Saakin mi 1yr and 6mos sya. Nung mga 1yr and 2mos ya nahulog dikona pinakuha kaso iyak ng iyak. Pero nitong march gabe nung naglalaro sya. Nawala bigla di ko mahanap hinayaan ko sya matulog kahit pag nalilingat sya umiiyak. Tinatapik ko nalang sya. Kina umaga nakita ko yung pacifier nya diko na binigay. Yun nasanay na sya kase mas gamit nya kapag day time pero patulog sya tinatanggal nya

Magbasa pa

4 months old po anak ko,kusa na po nyang tinanggal ang pacifier nya. Kahit isubo ko ayaw na po,iniluluwa nya. At the age of three,nakakakain na po mag-isa ang anak ko sa sarili niyang plato using spoon. Kahit gusto kong ituring na "baby" ang anak ko,di pwede eh,nagugulat na lang kasi ako dahil marami syang natututunan at early age kahit diko pa man naituturo.

Magbasa pa

Para po sa akin ay better if hindi na sya magpacifier. Hahanapin at iiyak po sya sa umpisa pero masasanay rin po sya. Source of comfort na po kasi nya ang pacifier, so better po to offer other alternatives like hugs and cuddles, lullaby, story time, etc.

much better siguro talaga mi kung papastop mo na sya magpacifier..siyempre sa una iiyak talaga yan kasi nakasanayan na nya pero pag nagtagal makakalimutan nya dn yan..aliwin mo nlng mi libangin mo sa ibng bagay basahan mo ng bed time story ganun..

unti-unti lang na hindi ipagamit mi. hanggang sa masanay sya na wala na.

hindi ko pa po tinatry pero try nyo po yung sya mismo magbabye sa pacifier nya.

9mo ago

lo ko po mag 2 years na sa august hirap din patigilin sa pacifier grabe mag wala as in. sabi daw po kasi usually pag tungtong ng babies sa 1 yr old dapat na patigilin sa pacifier kasi nakaka angat daw po ng gums nila sa taas na nagcocause ng pangit na ngipin. may mga nag bigay po sakin ng tips ang ginawa daw po nung isa pinahiran ng sili yung pacifier nung anak nya simula nun tumigil na o kaya kalamansi o ampalaya daw po. pero as of now hindi ko pa po makayanan itry kasi nakaka awa naman.

Thank you mi ❤️

Related Articles