Kakapanganak lang through C-section
Mga mommy paano po maka recover ng mabilis pagkatapos ma cesarean, ilang weeks or months kayo medyo nag galaw galaw na at ano-ano mga pagkain lang na kinain ninyo during recovery.
Wala pa 24hrs ako naoperahan nakabangon agad ako at inalis agad foley catheter para makawiwi na talaga sa CR.. Bumangon agad ako kasi sabik ako makita si baby ko nun na need ma NICU for 1week. At isang linggo din ako nagppunta hosp palakad lakad kahit bagong opera.. Actually 2x na ko na CS at pareho mabilis lang ang recovery ko. Kelangan kumilos mi para makabalik agad sa normal functions ang katawan lalo na internally since na general anesthesia.. Wag palaging higa kasi lalo ka mahihirapan makarecover. Gumamit din ng abdominal binder hindi lang siya pampaliit ng tyan as support din talaga sa tahi. Masakit oo normal lang yun may pain reliever meds naman e.. mapapalitan naman ng sakit pag nayayakap mo si newborn.. Sa pagkain naman basta nakakapoops ka na diet as tolerated na.. Yung mga kaya mo ng kainin syempre eat healthy.. At syempre dahil bagong opera kelangan mo pa rin ng makakatulong sa pag aalaga kay baby tulad ni hubby.. Kasi need mo din ng tulog hindi biro ang manganak.. Normal delivery man yan o Cesarean.
Magbasa pa
CS-Mom