βœ•

Don't know what to do 😩 Need help πŸ™πŸ˜’

Mga mommy pa tulong Naman po sa sitwasyon ko. 12 weeks and 5 days na po akung buntis, nung September 20, 2020 po schedule ko check sa OB ko that time may na pansin Yung OB na wala siyang marinig na heartbeat gamit Ang doppler Niya na dapat meron na daw. Kitang Kita ko Ang mukha niyang taka na taka kaya ako ay kinabahan na rin. Pagkatapos nang check up ay in advice Niya ako na magpa transvaginal kinabukasan para masiguro kalagayan nang baby ko at Kung bakit walang heartbeat. September 21, 2020 nag punta ako sa ibang clinic Kung saan Niya ako ni refer at don nakita wala nga heartbeat Ang baby ko. Habang nag aantay sa results napaluha ako at napadasal nalang . Tinawagan ko Ang OB ko sa naging resulta kadalasan daw talaga nangyayari Yun sa first trimester nang pagbubuntis, Hindi ko rin ma intindihan mga paliwanag Niya Kasi puro siya baka baka. Sinabi Niya sakin pwde Naman daw ako magpa second opinion para mas sigurado, September 27, 2020 nagpa ultrasound ulit ako sa hospital nila mismo umaasa ako na may heartbeat na baby ko Kasi don mismo Ang ka una unahang nakita ko Ang baby ko tumitibok Ang puso niya. Pagka ultrasound ko sobrang nalungkot ako Kasi ganun parin Ang resulta no heartbeat parin. Nung araw din na Yun check up ko sa OB pero di ako sumipot Kasi nung huli usap namin pagwala talaga heartbeat Yung baby ko is tatanggalin Niya na sa tiyan ko. Sobrang natatakot na ako. Pagka uwi nang bahay tumawag Yung mama ko di siya maka paniwala sa text ko. Pano daw nang yari yon? di Naman daw ako dinugo wala din ako masakit na nararadaman? Pano nga ba? Yun din di ko maintindihan Kasi nag iingat Naman ako. Don na isip Niya ipa tingin ako sa albolaryo doon nakita daw na may sumusunod sunod saking ibang nilalang baka daw ito dahilan bat di makita Kita Yung baby ko pag nag papa ultrasound. Sa ngayun po nag gagamot ako nang gamot nang albularyo. Kasi naniniwala po talaga ako sa mga nilalang bukod satin ay naninirahan din dito sa mundo. Ano po sa tingin niyo mga mommy? Pa advice Naman po Kasi di ko na po alam Ang gagawin at Kung anung paniniwalaan ko. πŸ˜’πŸ™ First baby ko po Kasi kaya Ang hirap sukuan nalang nang Basta Basta. πŸ˜’πŸ’” Sana matulungan po ninyo ako.πŸ™πŸ™πŸ™ God bless sa lahat nang Ina #1stimemom #firstbaby #advicepls

20 Replies

Please go visit your doctor, if my mangyari di maganda sayo will the albularyo be liable? marami kasing factors kung bakit nangyari yun, better follow what the doctor says, 2020 na po..pray lang and go let yourself be checked now..

VIP Member

Mommy, nangyayarinpo talaga na minsan hindi po nagtutuloy ang pregnancy. Please go back to an OB kahit hindi na dun sa una mo, basta OB para malaman ang next steps. Usually po 8-10 weeks po nakikita ang heartbeat.

hello po i have question po na pinost ko please any advice po first baby ko din po kasi

VIP Member

naworried naman po ako sa post na to, I am 14 weeks na po, pansin ko di lumalKi tummy ko, tapos wala akong nararamdaman na pain or kahit ano, medyo napaparanoid po ako kung okay pa ba sya, 2nd pregnancy ko na po.

me too sis parang di nalaki tummy ko 7 weeks nakong preggy huhu

10weeks nag pa check up ako. lakas na ng heartbeat ng baby ko. madalas lang sumasakit tiyan ko. 4months na ang tiyan ko ngaun. Mas better bumalik ka sa doctor kasi sila talaga lang ang nakakaalam.

VIP Member

pwede ka po magpaultrasound, sa ibang clinic or hospital po. baka po kasi mapahamak ka rin po kung di ka po machecheck ng ob.

walaka bang na raram Daman na larang pumipotik sa pusun mu kc nung una Kung baby ganun ako

Mommy go back to your ob or magpa 2nd opinion ka.. Much better po yun..

Silent miscarriage ang tawag Jan. Huwag magpapa-albularyo.

VIP Member

Mommy mas better magpasecond opinion ka

Baka blighted ovum po sis?

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles