Hirap maglabor

Hi mga mommy's, ngaun alam ko na ang pakiramdam ng maglabor. Sobrang sakit talaga. Nun sept 14 may bigla lumabas na tubig 2x at yun pangalawa may kasamang spot ng dugo wala ako sakit na ramdam. Nagpunta ako s ob ko, ie nya ko nandun p nmn daw panubigan ko, 36weeks 2days palang ako kaya sabi ni ob mga 5days p daw para mafull term si baby. Kaya niresetahan ako pampakapit. Sept 16 ng madaling araw sumasakit na tyan ko hanggang sa gabi tiniis ko yun hindi pa ko nagpadala s hospital hilab lang ng hilab every 5mins, pasakit ng pasakit hindi ako nakatulog. Kinabukasan 7am nagpadala na ko s ospital at inadmit n ko kase 4cm n daw kala ko hindi ako tatanggapin kase hindi sila tumatanggap ng kulang s buwan buti nalang 36weeks 5days n ko kaya pumasok pa. Labor p din ako hanggang 2pm, dumating ob ko pinutok nya na panubigan ko kala ko papaanakin nya n ko hindi pa din kusa ako umiiri pag nahilab tyan ko sabi nya pababain ko p daw si baby para pag lipat namin delivery room konting ere nalang.. Totoo nga 3 ere ko lang at sa tulong ng nurse lumabas na si baby🙂. Ang saya s pakiramdam nakaya ko mainormal tong liit ko. Duedated ko p sana oct10 pero okay lang nakaraos na ko sa hirap. Sa mga mommy's na first time n kagaya ko kayang kaya nyo yan.. relax lang po kayo. Goodluck..

Hirap maglabor
55 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako momsh, buti ikaw 5days nlng hinintay mo, ako e 11days pa kya gnawa lhat ng o.b ko way pra di pa ko manganak. Kalalabas ko lng galing hospi., nagpa admit ako 2days. Tnurukan ako pampakapit, tska ung pang develop sa lungs ni baby. Pinacontinues ni o.b ung pampakapit ko tapos bed rest daw.

Magbasa pa
4y ago

opo bed rest din ako sabi ni ob kaso gusto na talaga ni baby lumabas🙂 sana healthy din si baby mo.. pag sobrang active sya s loob mo healthy po sya mommy.

Congrats sis.. same here kaka panganak kulang nung 12 oct 8 pa din sana ang due ko 😊 sarap sa pakiramdam... Naranasan kudin muna kv mag labor bago ako i CS, nauna kc pumutok panubigan ko tapos 5 cm palang di na umakyat hanggang 8to 1ocm kaya na CS

4y ago

59k nmn sakin 😁

congrats mommy buti kapa na inormal mu baby mu, ako di kinaya ang labor sobra sakit yung tipong bawat hilab ng tyan ko ih umiiyak na ako😂mababa kc ang pain tolerance ko kaya ECS ako sa baby ko pero ok na din atleast pareho kaming safe❤

4y ago

parang gusto ko na din umiyak nun naglalabor, ako lang kase mag isa sa labor room kaya talagang kinaya ko nalang ang sakit.

awwww congrats po. First time mom din po ako sa dec. pinapalakas lang namin ni hubby ung loob ko at syempre pray lang din 😊

congrats.. sana makaraos na din. ilang araw na din masakit tiyan ko pero wala pa yung pinakasign na lalabas na sya.

4y ago

uu nga sana nga po

Una pa due ko mas una kapa nanganak momsh! 😭 Sept. 18 due ko until now wala pakong nararamdaman na pain

4y ago

Opo first baby ko

Congrats mommy ako den po kinakabhan na kaka36 weeks kolang po. Edd ko oct. 17💖👶

4y ago

makakaraos ka lang.. lakasan mo lang loob mo, malapit lapit ka n din mommy goodluck🙂

Ako mommy oct.04.pero wala pa ring sign.Gusto ko ng makaraos At mkita si baby.🙏

Ako mag 38weeks na first time mom din ako wala panamn ako nararamdaman na sign ng labor

4y ago

lakad lakad lang mommy. kase ako baba taas ako kaya siguro napaaga din buti nalang pasok pa. 1day nalng 37weeks n ko.

Congrats sis ❤. Sana ako din makaraos na, excited na ako makita baby ko.