pano po maiiwasan ang preterm labour ?

mga mommy need ko po ng help naiistress na po ako kahapon po kasi nung balik ko sa ob ko for check up na ie ako 3cm na daw ako tas sinabi ko na sumasakit na ung balakang ko pero walang discharge or dugo pati panubigan na lumalabas pa saken sabi ng hospital nag pepreterm labour na daw ako ang problem wala silang incubator 35 weeks palang daw po kasi si baby ko pano ko po kaya mapipigilan si baby na lumabas muna kahit daw sana ma full term 37 weeks si baby ?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

29 weeks po nung muntik na ko mapreterm labor. nagpaconfine na po ako para mamonitor yung contraction. nag.inject na din sila ng steriod saken para sa lungs ni baby kung sakali lumabas.ayun observe ako.thanks God naman at tumigil ang contraction. nakauwi kame pero complete bedrest na ko then pampakapit. now, 38 weeks na ko waiting na kay baby. nairaos ko din. wag ka masyado mastress try to relax para d magcontract. kaya mo yan sis. pray lang at kausapin mo si baby.

Magbasa pa
VIP Member

Bedrest po talaga, ang iba po nagpapa confine na sa ospital para maalagaan ng pagmonitor.