Weight Gain simula nung nanganak

Mga Mommy naging struggle din ba sa inyo yung sudden weight gain after manganak? Ganon kasi ako ngayon. Pure breastfeed din ako kay baby. Kadalasan tukso yung inaabot ko kasi nga malaki na talaga itinaba ko. Paano n'yo naoovercome yung tukso and katotohanan na nagkaroon talaga ng sudden weight gain after manganak?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hayaan mo lang sila mommy, isipin mo na lang na kaya ka tumaba kasi para naman sa baby mo yun, cyempre kung iisipin mo mag diet e si baby naman ang maapektuhan nun dahil nag papa breastfeed ka, tsaka mo na lang isipin ang papayat kapag hindi ka na nagpapadede, may Iba nga dyan mapayat nga panget naman. E ikaw kahit medyo tumaba ka maganda ka naman, and as long as nagagapanan mo ang isang pagiging isang mabuting asawa at nanay OK na yun. Paki ba nila kung tumaba ka! :)

Magbasa pa

mommy, that is normal. for now, dont overthink yourself. hindi biro pinagdaraan natin, 9 months nating inalagaan si baby sa loob and nag deliver pa. it takes a year for our bodies to recover. dont push yourself. take your time. also, surround yourself with your loved ones like family since crucial itong period for you, you may unconsciously have post pregnancy depression. you need all the love and support to help you overcome this.

Magbasa pa

wag mo nlang po seryosohin..ako super slim before mabuntis kahit pagkapanganak, pero dahil n din po sa loose skin at nung mag-injectables ako, tumaba ako at nagkabilbil πŸ˜… so nasanay nlang ako at dedma nlang sa mga tao ngsasabi ang taba2 ko na daw khit di nman ako gnun kalaki..super payat ko lang tlga noon, anyway wala nmn pake asawa ko kahit tumaba ako.

Magbasa pa

ako nga parang di daw nanganak kasi hanggang ngayon malaki parin tyan ko pero tinanggap ko nalang and then nag eexercise at tamang diet may improvement naman medyo lumiit liit naman na yung tyan ko konting push pa positive lang 😊😊😊

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-153663)

Be proud momma. Ikaw mismo dapat tanggap mo kung anong meron ka. Nakakagutom magalaga ng anak at ang sarap kayang kumain. ☺️ Wag mong pansinin yung mga nanunukso sayo. Ngitian mo nalang sila. Titigil din mga yan.

Kamusta naman aku πŸ˜‚πŸ˜‚ napagkakamaLang preggy pa πŸ˜… dhiL taba ku pero Oki Lng ee yun ung hobby nmen ng bby kung 2yrs oLd kumain ng kumain πŸ˜‚πŸ˜‚

VIP Member

ako pumayat na. pagka labas ng baby ko wala na kong bilbil kasi baby talaga yung sa tummy ko hehe

6y ago

pano kapag malaki bilbil? edi Hindi lang baby nasa tyan ko nun? hihi

VIP Member

ako nmn po namayat but the rest of the day ,weeks and months nanunumblik n ung dti kng ktwan n mejo chubby

baligtad po ang nangyari sa akin. pero huwag nyo na lang pansinin. focus na lang kay baby