MAT BENEFITS SSS

Hi mga mommy, magtatanong lang ako. Last na hulog ko sa SSS is 3 yrs ago pa (2019) so 3 yrs na kong walang hulog sa SSS. Ang EDD ko po is November 2022. Eligible kaya ako for MAT benefits? Any case, na kapareho sakin dito. Thank you in advance :)

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dapat may hulog ka from July 2021 to June 2022 kahit 3 months lang. Pwede mo pa habolin yong April-June. Kung kaya, try mo hulogan yong pinakamataas na pwede ihulog para malaki2 makuha mo. Hulogan mo na ASAP bawal late payment.

2y ago

Jan-March - 1st April - June - 2nd July-September - 3rd October- December - 4th

@Mommy, yes po. Sabihin mo magpapalit ka then magbayad kana po. Pero yong sakin kasi nagbayad lang ako then naging voluntary nako. Pero para sure sabihan mo parin para walang problema pag mag cclaim na.

And maghulog ka parin next month pero di na need malaki hulog mo, kahit yong pinakamababa para lang di mahalata ng SSS na Matben lang habol mo. After mo magbayad, mag file kana agad ng MAT1 online.

maghulog ka po. para active din sss mo. madami pa naman po time. kahit 300 per week ka po para mahabol lang. sayang din po kasi yung sa maternity

Dapat po mag hulog na kayo nang contributions nyo sa SSS. Try nyo po mag ask sa SSS para makahabol Kasi November pa Naman due date.

april may june 2022 nalang pwede mo hulugan gawin mo 7800 hulog mo bago magkatapusan june para 35k makuha mo

Post reply image

same edd tayo sis, nag change din ako from employed to voluntary, hinulugan ko lang yung april to june.

2y ago

hi momsh. .ako nga po 6years na nung huling nahulugan sss ko ng employer ko dati. .pwede po tayo makakuha ng maternity benefit basta habol paraw po ung 3 months na mahulugan(April-June)ung pinkamataas na hulog po dapat,. mga 2,600 po tapos mga 35k raw po makukuha. .then ung july pwede mo na hulugan ng pinkamababang hulog,. 390 po. .tuloy tuloy hulog

hello mi..kun voluntary ka mghulog kana now from apr to june..