Physical/emotional violence during pregnancy **LONG POST**

Hello mga mommy. Mag anon nalang ako, gusto ko lang mag-share sainyo ng nararamdaman ko and I want to get advices narin kasi wala ako makausap. I am 25 weeks pregnant, 22 years old. Yung asawa ko is 23 years old. 2 years kaming mag bf gf 1 month na kaming kasal Araw araw napasok sa trabaho ang asawa ko, inaasikaso ko siya araw araw, ginigising sa umaga kapag papasok siya, hinihintay sya umuwi kahit late na para may makasabay ako kumain. Yung alagang asawa ginagawa ko sakanya. Pag uuwi siya minsan hindi na niya ako nakakausap kahit kapag kumakain kami. Tapos pag hihiga na, mag ccellphone lang tapos makakatulog. Pero nagkakamustahan lang kami ang sagot lang niya parang yes or no lang sa mga tanong ko. Namimiss ko lang nung mag bf gf kami na may conversation talaga kami. Iniisip ko pagod lang to kasi ung trabaho niya araw araw is 11 hours. Sobrang naiintindihan ko siya. Pero ako ung naapektuhan din kasi nag eemote ako na wala na nga akong kausap buong araw tapos paguwi niya pa, hindi pa nya ako kinakausap.. kaya nalulungkot ako.. Eto pa isa, hindi na kami nakakapagusap ng ayos. Yung tipong pag may problema kami, hindi na namin naayos yung problema.. kasi kapag pinaguusapan na, gusto ko masinsinan na usapan lang pero siya na gguilty agad or nagagalit/naninigaw/namimitik sa muka sa braso/nananampal. Ang ginagawa ko, nilalakasan ko lang yung loob ko para hindi ako umiyak at damdamin ung ginagawa niya sakin kasi ayoko ma stress.. kaso naiiyak talaga ako, kasi naaawa ako sa sarili ko. Nung bf gf kami, sabi sabi siya di nya ako sasaktan pero nung mag asawa na kami hindi naman natupad ung mga pinapangako nya noon. Hanggang ung mga problema namin, hindi naaayos. Nakakatulog nalang sya ng ganon. Kaya ako nag ooverthink... Ngayon, may sakit siya, inaalagaan ko sya kasi ilan araw na siya hindi nakakapasok sa work. Sabi ko kanina magpa check up kami para maresetahan sya ng gamot at kasi hindi effective ung gamot na bioflu. Ayaw nya magpa check up. Sobrang alaga ako sknya kahit matigas ulo niya. Tapos kanina habang kumakain kami, tumawag ung MIL ko, kinon-firm kung may sakit siya sabi ko opo. Sabi ni mil, ipa check up ko na.. sabi ko, ayun po sabi ko sakanya kaso di po siya nakikinig sakin.. tapos nung binaba ko na ung phone, Sabi sakin ni mister, "wag ka magagalit ha.. sa totoo lang wala naman akong narinig sayo na ipapa check up mo ko ngayon" Tapos naluha nalng ako habang kumakain kami, di ko napigilan kasi nahurt talaga ako. Kasi kahit masakit puson ko, balakang ko, inasikaso ko sya at inaalagaan buong magdamag. Sigaw nya "mas naiintindihan pa daw sya ng mama niya kesa sa akin." Nasabi ko nalang, "ang dami dami kong sinasabi sayo pero di mo pala naririnig at na aappreciate". Cp kasi sya ng cp buong hapon.. hanggang sa nagkasagutan na kami tapos siya nanakit na physical, nanampal na habang tinatapos ko ung pagkain ko. Naaawa ako sa sarili ko, di ko deserved ginagawa niya sakin. Kaya nasabihan ko siya ng "PROVIDER kana lang sa bahay na to! Di mo man lang kami maalagaan." Kaya lalo syang nagalit sakin. Sinubsob na nya ako sa platong kinakainan ko.. nakakahiya nga sa kapitbahay eh (mga tita lola ko sa mother side) Naririnig ung sigaw niya.. Ngayon, ano gagawin ko? Hihintayin ko ba pati anak sa sinapupunan ko masaktan niya? Or OA lang ako dahil sa hormones?? iimmune na ako sa mga ginagawa nya sa akin.. kaya araw araw mas lalo akong lumalakas at naging palaban.. wala na akong pake. Sana kahit minsan may CARE din naman sya lalo sa buntis nyang asawa. Salamat po sa pag basa. Please be honest to me. Kung ako ba ung may mali kaya ganun ung asawa ko. Ano po ba dapat kong gawin?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Be brave enough to walk away momsh. Please. Isipin mo palage na ginagawa mo yan para sa anak mo. Isipin mo palagi na mas mahal mo ang anak mo. Dun ka muna sa parents mo magstay kase masyado ka na inaabuso ng asawa mo, sana inisip man lang niya na buntis ka. How selfish of him! Be strong mommy. Maglagay ka muna distance pls, don’t stress. Pag mother na kse, all abt sacrifices. So kahit masakit, umalis kna muna sa bahay ng asawa mo at dun ka muna sa kamag anak mo.

Magbasa pa
5y ago

Nakakalungkot kasi, lumaki ako sa broken family at pangarap ko sana mabigyan ng magandang pamilya yung anak ko. alam naman un ng mister ko.. Nung bf gf kami, ang ganda ng mga pangako nya. Puro sabi, hindi naman ina apply ngayong mag asawa na kami. Nakakalungkot, naaawa ako sa baby ko.... Kala ko mabibigyan ko sya ng magandang pamilya.

Alis ka na sa puder niya, sis. Sobra na pala manakit asawa mo grabe na ginagawa saiyo. Baka mas lalong sumobra yan. Bingi pa. Kamusta kana