Polycystic ovaries (PCOS)

LMP - July 24-28 TTC - Aug. 8-15 Hello mga Mommy kakarating ko lang po sa OB.. sobrang depress ko na po TTC Kami ni partner pero gang ngayon wala pa po.. Akala ko kasi buntis na ako dahil delayed na ako ng 2weeks. August 11 pumunta kami sa ob and Nakita nya na nag oovolate ako and nag contact naman kami ni Mister (fertile days) pero yun results ay Negative kasi negative po ako sa Blood serum at yun ultrasound walang makita. akala ko itransvaginal nya ako pero ndi nya nirecommend at ndi nya din ako binigyan ng gamot aside of Folic acid.. balik nalang daw ako kung magkamens ako... Akala ko Kasi meron na kasi faint line mga pt ko .. Pahug ng mahigpit mga Mommy ansakit sa puso 😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako nung una 3 months di ako nagkakaroon pero alam kong ireg ang mens ko . triny ko pumunta sa ob nakita pcos . pinagdiet at pills ako nun . daming bawal una sinusunod ko kaso nung nd ako mabuntis kahit sinunod ko yung ob bumalik ako sa pagkain ng bawal .. nawalan ako ng pag asa until nakausap ko cousin ko sabi nya magpills lang daw ako yung diane pills .. tapos sinabayan ko nung pinakuluang dahon ng guyabano .. biglang hinto ako sa pills 2 months di ulit ako nagkamens binalewala ko lang kasi ireg nga ako pero naramdaman ko na yung dibdib ko medyo sumasakit tapos feeling ko may gusto ako kainin lagi ilang beses ko kinumbinse asawa ko na bumili ng pt pero ayaw nya nga ksi hanggat di ko daw sinusunod si doc na magdiet ako at panay inum ako ng soft drinks di daw ako magbubuntis kasi nga sa pcos ko .. eh inaway ko sya nung last na pangungulit ko sakanya na bumili .. nashock ako kasi 2 pt ko positive agad .. ayaw pa din maniwala ng asawa ko kaya bumili ulit sya ng 3 and still positive result partida gabi ako nagpt nung 3 . tapos nagpunta agad kami sa doctor and ang result 7 weeks and 4 days na akong preggy rinig na din namin heart beat ni baby . samahan mo ng dasal lagi sis bibigay in Lord sayo yan ..

Magbasa pa
3y ago

congratulations po mi ♥️😇

Related Articles