How do you deal with this situation?

Hello mga mommy! How do you handle a situation where asking for help is considered as pinag iisipan daw? Like paghehele kay baby o pagbabantay whenever you want to rest after an exhausting day. I asks for my partners help na s'ya na maghele kay baby kasi ayaw matulog kahit antok na antok na kanina ko pa hinehele, naghyper pa lalo nung makita s'ya, then he answered me bakit daw pati pagpapatulog pinag iisipan ko pa? Nakapagtimpi lang ako kanina kasi malapit lang sa kwarto na tinutulugan namin yung mga kapatid n'ya pero deep inside gusto ko s'ya saktan physically or sagutin because of his attitude. And then one time when we visited his family, (sa'kin kasi dumedede si baby)may formula milk silang binili para daw tumaba si baby kasi doon sa milk na yun tumaba yung mga cousins nila, that moment feeling ko parang balewala ako as a mother, ni hindi man lang ako tinanong ng partner ko if okay lang ba basta pag family n'ya ang may gusto sige lang s'ya kahit alam nyang ikagagalit ko. Alam ko I'm overreacting pero kasi kagagaling lang ni baby sa diarrhea n'ya and malay ko kung hindi s'ya sanay sa gatas na yon pero sa huli wala rin ako nagawa kasi mapipilit, pinainom pa rin nila kahit ayaw ko. Yung partner ko hindi man lang nagreact kahit nasabi ko na before na ayaw ko pa imix feeding si baby. Nagalit pa sa akin nung nakita n'ya na nakatingin ako sa anak ko habang pinapainom nila. Haynako buhay may in-laws nga naman na mahilig makielam🤦🏻‍♀️

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi naman oa un normal lang magalit ka. my child my rule. pag nagkasakit ba sila ba nagaalaga? sila ba nahihirapan? moreso ung bata ung mahalaga. which option is healthier for him ba ? sino ba ang bibili ng formula if makasanayan ng baby un? sila ba?? ung partner mo kulang sa respeto sayo e. ano ba naman ung tanungin ka mahirap kase mag pamilya ng lalaking hindi handang humiwalay sa magulang. ikaw magtitiis tas gaganyanin kana nya lagi. may better ways naman to say No to inlaws e. search and practice wag lagi naka yes

Magbasa pa