Super clingy na baby

Mga mommy, hingi naman ako ng tips or advice. Yung baby ko kasi super clingy sakin. Maski pag natutulog sya gusto nya nasa tabi nya lang ako, pag bumabangon ako, wala pang 1 min, gising na agad sya. Lagi nya kong hinahanap sa tabi nya, kapag tinabihan ko na sya titigil na sya sa pag iyak. Sinubukan ko na yung lagyan sya ng unan para feeling nya nasa tabi nya ko, pati yung damit ko ginawa ko na din. Pero talagang ako ang hanap nya. Wala tuloy akong magawa lalo sa gawaing bahay. Ni magluto ng kakainin ko hindi ko magawa dahil nagwawala na siya kaka-iyak. Pati pag kakain ako bitbit ko sya. Naaawa tuloy ako sa asawa ko dahil di ko sya masyado maasikaso. Dahil sa baby ko na super clingy. 3 mos old palang sya. Pano ko kaya sya sasanayin maging independent, lalo sa pag tulog nya? Para maka-kilos naman ako paunti-unti. Ang hirap kasi ng pag matutulog siya lalo pag umaga. Minuto lang. Makakatulog lang sya ng oras kapag katabi nya ako. Please enlighten me mga momsh kung ano pwede ko gawin

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try mo iswaddle sis

5y ago

Ayaw nya nun eh. Naiirita sya pag binabalutan sya.