Fake birth year sa birth certificate. Please paadvise po ng possible na gawin? 😟

Mga mommy hingi lang po ako ng advise kasi di ko po talaga alam kung pano po yung gagawin. Baka lang po meron po may same case katulad ng sakin. Iba po kasi yung birth year ko sa birth cert ko sa mga valid id's ko. Ganito po kasi yung nangyari, 16 yrs.old pa lang ako nun nung nagdecide mother ko na pagtrabahuhin na ako dahil sa financial problem. Dahil di po ako makakapagwork ng di pa ako 18. Nagpagawa po si mama ng fake birth cert ko. 1997 yung birthyear ko pinalitan sya ng 1995 para maging 18 ako. Isa po kasi yun sa mga reqs. Bale po nung first job ko yung fake na birth cert po ang pinapasa ko same sa pagpasa ng reqs. Sa mga valid id's ko like sss, philhealth at pagibig. 1995 yung birthyear sa lahat ng valid id's ko po. Pero pag sa tunay na birth cert ko is 1997. Kaya napanindigan ko na po na 1995 na talaga birthyear. Pano po kaya gagawin ko? Maaayos ko pa po kaya yun?😢😞 Gaya po nyan may balak na po kami magpakasal ng bf ko kayalang namomroblema po ako kasi di tugma yung valid id's ko sa totoong birth cert ko. Naiisip ko din pag nakapanganak ako di ko alam kung ano ilalagay ko na age ko kasi yung mga nasa valid id's ko ay di naman yun totoong birth year ko. Please help and advise me po. 😢

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang Alam ko Ang susundin mo Yung nakalagay sa birth certificate mo. . paayos mo n lng. ipakita mo birth certificate mo dun sa pag ibig, sss etc. para mabigyan ka bagong ID

4y ago

di po kaya maaapektuhan yung hulog ko sa sss, philhealth at pag ibig. yun po kasi iniisip ko e. thank you po mommy sa advise :) maski sa work ko 1995 yung birthyear kasi napanindigan ko na po yung fake .