bahing at ubo
Hi mga mommy.. hingi lang po ako ng advice. Yung 2 months old baby ko po kasi bahing ng bahing. Inuubo din po sya pero di mayat maya, parang makati po yung lalamunan nya. Parang may halak po sya sa ilong or lalamunan not sure po eh. Ano po kaya pwede nyang remedy di po kasi ako makapunya ospital para mapacheck up sya. Sarado din po mga clinic malapit sa min. Nag aalala po ako na bago matapos tong quarantine lumala po yung lagay nya.