FIRST TIME MOM

Hello mga mommy! Hingi lang ako advice hehe first time mom po kasi ako and bukod po kami ni partner both sides. Kumbaga ako at siya lang talaga and malapit na rin ako manganak. Gusto ko sana na kahit manganak ako is bukod pa rin kami. Gusto nya kasi na kapag nanganak ako is doon muna kami sa Mama ko para raw may katulong ako kay baby and sa pag galaw galaw ko kasi mag work pa rin siya. Ayoko naman kasi nahihiya ako makitira kahit ilang buwan lang sa Mama ko dahil una sa lahat hindi naman kanyang bahay yon kundi sa step father ko and baka manibago yung mga tao sa bahay once na may baby. Gusto ko sana ako na lang mag-alaga kahit mahirap is kakayanin tutal choice ko rin naman na mag anak. May same experience po ba rito na after manganak is walang kasamang fam or matanda bukod kay mister? Thankyou. #firsttimemom #advicepls #firstmom #firstbaby #FTM

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

First time mom din po ako and 1year na baby ko now. 😊 Nakabukod kami ni hubby since nung nagpakasal kami. Initially, want ko din sana kayanin on my own. Thank God super mapagmahal ng mother-in-law ko at siya nagpresinta na samahan kami sa bahay sa mga unang linggo. I took it, and never regretted it. 😊 Kahit 2weeks lang 'yun, soooobrang grateful kasi recovering pa lang ako and CS. Kung may pwedeng magvolunteer na makasama ka, igrab mo na momshie. 😊 Hindi naman porket need ng help magiging pabigat or what. You are still a great mom kahit need mo ng extra set of hands this season. 😊

Magbasa pa