Budget

Hi mga Mommy. Help naman po. Mag kano po na budget o nagastos nyo sa panganganak?. Sa hospital(private/public) or lying-in. May philhealth naman po ako na hinuhulugan. Need ko lang po ng idea. Nakabili na po kasi ako ng mga ilan lang essential need ni baby para sa paglabas nya at ang balak namin ni hubby ung iba pa pagkatapos ko nalang manganak pero marami pa rin po talagang kulang na gusto kung bilhin hindi ko pa mabili kasi iniisip ko yung magiging budget ko sa panganganak baka mahirapan kami pag kulang. Please mga Mommy help naman.

79 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi Mommy kung hanggang saan maximum na kaya ng budget mo. Pero isama mo na sa budget mo either cs or normal para at least may buffer ka po. Nung time ko po 100k alloted budget ko pero sympre di ko kaya gumastos ng ganon kasi pag labas ni baby ang dami pang gastos lalo na yung mga vaccine nya at mga baby gear kaya pinili ko mag public hospital kasi baka mamaya kulang ung 100k kapag nag private kami at ma-cs pa. Mag canvass ka na po ngayon palang kung saang hospital or clinic mas mura manganak ng cs or normal para at least ready kana financially. Mahirap kasi magkanda utang-utang ka pa. Nung nanganak ako 750 pesos lang nagastos ko sa public hospital 3 days pa kami nag stay don, hindi nga lang ganon ka komportable kasi 3 patient kami sa isang bed. Pero aarte pa ba ako nandon na ko at gusto ko makatipid. Hehe Pero sympre iba talaga ang serbisyo sa mga private hospital at clinic kaya kung san mo gusto go lang Mommy.

Magbasa pa