Budget

Hi mga Mommy. Help naman po. Mag kano po na budget o nagastos nyo sa panganganak?. Sa hospital(private/public) or lying-in. May philhealth naman po ako na hinuhulugan. Need ko lang po ng idea. Nakabili na po kasi ako ng mga ilan lang essential need ni baby para sa paglabas nya at ang balak namin ni hubby ung iba pa pagkatapos ko nalang manganak pero marami pa rin po talagang kulang na gusto kung bilhin hindi ko pa mabili kasi iniisip ko yung magiging budget ko sa panganganak baka mahirapan kami pag kulang. Please mga Mommy help naman.

79 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

16k plus po sakin. private! yun yung bill namin sa hospital. may philhealth po ako niyan

5y ago

sa korea-phils friendship hospital

VIP Member

3k po.. 😊 Charity and with philhealth.. Normal delivery.. (private ..fatima hospital)

5y ago

Fatima marulas valenzuela

Sa maria lourdes(makati) po normal private room ay 28k tapos pag cs naman po 80-85k.

Less na si philhealth.. Mother-19k Baby-3k Private hospital and room.. EAC DASMA #CS

Magbasa pa
Post reply image
4y ago

bale naka 22k lang po kayo sa CS sa EAC dasma?

Sa lying in po kc nmin walang bayad manganak nasa mga mommy nalang kng magdodonate

5y ago

Ou mamsh tumatanggap dn cla ng firstym mom

nung nanganak ako sa 2nd baby ko ay cover lahat ng philhealth ung babayaran namin.

6y ago

january 26, 2019 po ako nanganak...

10k po sakin NSD, lying in na private sa parañaque. Walang philhealth yun.

Yung sakin emergency cs naman sa private, umabot NG almost 200k 😢😢😢

4y ago

Ako 250 din ponga prepare sa akin Baka ma cs ako. Chong Hua Hospital ng Cebu po ako nanganak.. buti via normal delivery 88K po na gasto sa Amin na yon ni baby.. one day one night Lang kami don.. private AB din kasi ako..

Ako po 3500 lang normal delivery. walang philheath 2nd baby . 😊

Ako po public hospital with philhealth ni hubby wala po ko binayad