33 weeks pregnant

Mga mommy gusto ko lang magopen Naiistress kasi ako ? 33 weeks na si baby and nagkataon na pinagsick leave ako sa office mag 1 month na. Kulang pa yung ipon ko kasi balak ko manganak sa semi private sa Ob ko which will cost me 30k dun din kasi tiwala ang mama since doon lahat kami nya pinanganak. Unexpected ako na magsick leave due to premature labor. Kaya hindi na ako nakaipon. Kasi pinagbedrest ako nu doc. Sabi ng mama ko is lumipat ako sa Public kaso 33 weeks na yung tiyan ko So hindi ko alam kung tatanggapin pa ako kasi wala naman akong record and yung edd ko is oct 28 na. Hindi ko alam gagawin ko ? ako lang po mag isa. ?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede ka naman po lumipat as long as may records ka ng check-up ko. Ganun din po kasi ako. During my 1st trimester check-ups ay sa private ako then nag decide kame ng asawa ko na sa malapit na lying-in nalang since d naman ako first time mom. Pinakita ko lang lahat ng results ng mga lab tests at ultrasounds ko. Mas makakamura kasi pag public lang po...I'm 33 weeks pregnant din po, due date ko po is October 27🙏❤️

Magbasa pa

pwede pa naman po kayo lumipat request lang po kayo ng prenatal record sa pinag papa check up an niyong hospital.. sa public libre po wala po kayo gagastusin basta may philhealth po kayo..sa lying in meron babayaran pero mura lang basta may philhealth po kayo

5y ago

Ang problema mommy gustuhin ko.man sa lying in hindi ako tanggap kasi 1st baby ko po ito. May binaba na daw.po.kasi ang DoH na lahat ng 1st baby kailangan hospital ipapanganak

VIP Member

No worries Momsh, ako lilipat from Public to Private. Tinawagan ko na yung magiging new OB ko and na-sched nya na ko for check up namin. Importante naman is yung lahat ng record mo from your previous OB. I'm 34 weeks pregnant.

May lying in clinic nga din po yung OB ko. Kaso hindi po nya ako maaccomodate sa lying in nya dahil po sa 1st baby ko ito. May rule na daw po kasi ang DOH na kapag first baby kailangan sa hospital ipapanganak.

pede mamsh.. try to relax.. explain to ur ob ur situation and reason bakit lilipat.. 😊😊😊 .. wag m stress pr mag premature labor ulit

Pwde ka lumipat just bring all ur records. Or sa lying in na private, tatanggapin ka. Hnd m need mastress kasi lahat ng bagay may solusyon..

Same tyo due date sis, di ba iaadvance ng company mo ung sss maternity pay mo para kahit paano un muna gamitin mo?

Just bring po yung records na nasayo tuwing check up mu..pati po mga lab results and ultrasounds