discharge

mga mommy dati nag ka yeast infect. po ako may lumalabas na white na buo buo tapos makati po sya niresetahan naman po ako ng antibiotic at bumili agad ng tatlo anim ang pinapabili sakin noon kaso wala pong budget kaya 3 lang binili ko tapos tinigil kuna po kasi sobrang mahal nya pero nawala naman po. pero ngayon bumalik na sya maamoy pero wala ng lumalabas na buo buong puti tulad ng dati malansa at color yellow na sya sobrang nag aalala ako ksi naamoy na sya ng bf at kapatid q?? im a teen mom kaya di kopa po masyadong alam yung mga ganito tinanong kopa ang nanay ko hindi naman po sya nag ka ganito noong pinag bubuntis nyako, ngayon po kci sa center nalang ako nag papa check up dahil wala ng budget sa lying in clinic mahal po kci masyado

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

up

up

Hi mommy.. better be check ulit ni OB or clinic of your choice. And pls. Refrain muna sa pagkain ng sweets and mag add tayo ng fluids/water intake po, this will help by flushing out the unwanted infections,though this might help a little however medicine regimen will help you more

Nung first tri ko nagka vaginal discharge ako iyak ako ng iyak nun kasi di ako sanay lalo nat alam mo sa sarili mo na malinis ka haha ang ginawa ko lang more water tapos laging nagpapalit ng underwear every 2hrs ganon. Hanggang sa nawala na.

Mommy hindi po kasi tama yung dosage ng nainom nyong gamot dahil instead na 6, tatlo lang po nainom nyo. May tendency na hindi namatay yung infection totally kaya bumalik siya. Kapag po pagdating sa infection, dapat po sumunod tayo sa strictly sa dosage na binigay ng doctor dahil dyan lang po mamamatay ang infection. Pag hindi po natin natatapos or nacocomplete ang antibiotics, bumabalik po yung infection or minsan nagiging resistant pa sila kaya kahit uminom kayo ulit ng antibiotics, hindi na po mawawala. I suggest na pacheck up po kayo ulit kahit pricey. Kahit sa public hospital po. Para maresetahan ng tamang antibiotics at make sure na susundin ang dosage.

Magbasa pa