Going 3 months , nagpupuknat po buhok ng baby ko
Mga mommy bakit po kaya ganito buhok ng baby ko may puknat talagang walang buhok magkabilaan po yan pati sa side wala din. Sabe nila pag naglalagas normal lang pero pag puknat di po sure kung normal . Pasagot naman mga mommy Sino po same case ko dito , mag 3 months na po baby ko


Same po sa baby ko naglalagas din po hair nia,.. My part po tlaga na manipis npo ung hair nia๐๐๐ nakaka worried pero sabi ng iba n normal lng daw n maglagas ung buhok ni baby..
same sa baby ko jaan side din. dinaman ako nag woworry dahil may buhok namsn sa ibang part at tutubuan pa han baka kasi kakabiling ko lang yun lagi sa side kapag natutulog sya
parang dry din yung anit ng baby. kung pinaoaliguan mo everyday, better stop it po. gawin mo every other day. and use very mild to fragrance free na wash sa hair.

it's normal. tutubo permanent hair nya by 6months. it could be because your baby usually sleeps on that side po or too much friction.