Questions about Luslos (umbilical hernia)

Mga mommy, ask ko lang po if meron sa mga baby niyo na nag karoon ng umbilical hernia or luslos? Last week po kasi maliit palang yung pagkaka usle ng pusod ni baby (1st two pictures) tapos dinala na po namin siya sa pedia (hindi po yung mismong pedia niya ang tumingin kasi hindi po available nung dinala namin), ang sabi po saamin hindi pa naman daw po alarming, and hindi naman daw po magiging alarming kasi normal naman daw po yun sa baby lalo na kung premature kasi hindi pa daw po nag bubuild ang muscle sa tyan (premature po si baby 35wks). Then kanina po galing kami sa totoong pedia niya for rota vaccine, nung nakita na po ang pusod nirefer na po kami sa surgeon (not pedia surgeon kasi wala pong pedia surgeon sa hospital dito samin), sabi po nung surgeon na tumingin kailangan na daw po operahan si baby kasi malaki na daw po ang pag kakausle (3rd photo) at humihinge na po siya ng clearance sa pedia namin. Gusto po naming mag pa second opinion kasi ayaw po namin paoperahan si baby dahil kawawa naman, una risky po ang opera, pangalawa masyado pa po siyang bata (6weeks old), tsaka nakakaawa po ang baby pag post operation na dahil masakit pag may tahi tyan (CS moms know). Baka po may same case sainyo na gumaling po ang baby without operation. PS: Hindi po namin binibigkisan si baby dahil ayaw po ng pedia. PPS: Mahilig po umire si baby kaya po lumaki na yung hernia niya. Kinakabag po kasi siya lagi kahit nag buburp naman kami.

Questions about Luslos (umbilical hernia)
30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

momi. ung sa sister ko sa baby nya nagka ganyan din. lalo na pag umiiyak c baby lumalabas lalo. ang ginawa nya nilagyan nang 5piso coin binalot sa bigkis. ayun naging okey naman bumalik sa dati.

Magkakaiba po ang pwedeng sagot, parang walang general consensus sa kung anong gagawin sa luslos sa pusod. Make sure nalang po get the opinion of your pedia rin para sigurado ang safety ni LO

hi sis ganyan yung baby ko 2months, normal daw po yan sa baby nakadalawang pedia na kami parehas lang ng sabi babalik rin daw sa dati lulubog rin daw po. wala namang sinabi sakin na luslos.

Hi, mag-second opinion ka nalang sa pediatric surgeon. No need maglagay ng bigkis, kasi if hernia, sa muscles ng abdominal wall ang problem, wala po matutulong ang bigkis.

Nag ka ganyan din baby nung 1 month sya, mas malaki pa dyan pero nawala din. Wala pinagawa pedia nya kusa naman po sya liliit, wag mag lagay ng bigkis

1st and 2nd photo po ok po, pero yung 3rd iba po tlga. pwede ka po patingin ulit sa pediatric surgeon para sure kasi sila naman po talaga may alam ng dapat gawin.

Nakakatakot mommy, parang namamaga. Ipasecond opinion nyo po para mas panatag kayo. Usling usli din pusod ni lo ko nung 1st month nya, pero bumalik sa normal

VIP Member

ganyan din 2nd baby ko kase tinamad na ko lagyan ng bgkis..kaya nung nkita ko gnyan bngkisan ko ulit..kaya okay namn xa..ngaun 10 yrs old na junakis ko..

VIP Member

nag ganyan den po ung panganay ko premature den 29 weeks lng....laging umiinat baby ko kaya lumalaki pero naging ok nmn nung nag 5 months n sya

Sis ganyan din sa baby ko , premature din sya pro pusod Nia dipa gaano lumalaki ,eri din Ng eri kmusta nmn Ang bayag Nia lumalaki ba?