Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
First Time Mommy
Questions about Luslos (umbilical hernia)
Mga mommy, ask ko lang po if meron sa mga baby niyo na nag karoon ng umbilical hernia or luslos? Last week po kasi maliit palang yung pagkaka usle ng pusod ni baby (1st two pictures) tapos dinala na po namin siya sa pedia (hindi po yung mismong pedia niya ang tumingin kasi hindi po available nung dinala namin), ang sabi po saamin hindi pa naman daw po alarming, and hindi naman daw po magiging alarming kasi normal naman daw po yun sa baby lalo na kung premature kasi hindi pa daw po nag bubuild ang muscle sa tyan (premature po si baby 35wks). Then kanina po galing kami sa totoong pedia niya for rota vaccine, nung nakita na po ang pusod nirefer na po kami sa surgeon (not pedia surgeon kasi wala pong pedia surgeon sa hospital dito samin), sabi po nung surgeon na tumingin kailangan na daw po operahan si baby kasi malaki na daw po ang pag kakausle (3rd photo) at humihinge na po siya ng clearance sa pedia namin. Gusto po naming mag pa second opinion kasi ayaw po namin paoperahan si baby dahil kawawa naman, una risky po ang opera, pangalawa masyado pa po siyang bata (6weeks old), tsaka nakakaawa po ang baby pag post operation na dahil masakit pag may tahi tyan (CS moms know). Baka po may same case sainyo na gumaling po ang baby without operation. PS: Hindi po namin binibigkisan si baby dahil ayaw po ng pedia. PPS: Mahilig po umire si baby kaya po lumaki na yung hernia niya. Kinakabag po kasi siya lagi kahit nag buburp naman kami.
G6PD
Mommies sino po G6PD positive ang baby dito? Ano pong vitamins gamit niyo for newborn? And yung mga bawal po ba itake ni baby like soya (taho, tokwa, toyo) is bawal rin po ba sa mommy na EBF? Salamat po sa mga sasagot.
Gaano Po Katagal Pwede Mag Pump Ng Milk Kada Session?
Okay lang po ba lumag pas ng isang oras yung pag papump medyo mahina pa po kasi gatas ko kaya hindi ko po agad maseal at mairef agad mga nakukuha ko sakin every mag papump ako.
Lying In
Mga mommy safe po ba manganak sa lying in? First pregnancy ko po kasi ngayon 8months na po tyan ko kaso mahal po sa ospital gawa ng pandemic 40k lang po budget namin. Kaya gusto ko po sanang iconsider yung lying in. Wala rin po kasi kaming philhealth mag asawa kasi studyante palang po kami. Salamat po.
Help Po
I am planning to buy diapers na po for my baby since 33 weeks na po tyan ko. EQ Dry po balak kong bilhin, okay lang po ba na 176pcs na po na diapers bilhin ko agad naka sale po kasi sa Lazada ang kaso lang po sabi nila hiyangan daw ang diaper pero madami naman po akong nababasang maganda daw ang EQ Dry nag kakadilemma lang po ako if 176pcs na agad bibilhin ko kasi sale naman. Salamat po.
Ultrasound
Mga mommy kailan po usually na next na ultrasound, last na ultrasound ko po kasi 6months si baby. Medyo kinakabahan po kasi ako pag umiikot ikot si baby dami ko po kasi nababasa about sa umbilical cord ng mga baby.
Kick Count
Mommies paano po mag kick count kay baby ideally ilang oras po ang pag bibilang and tuwing kailan po ginagawa? Salamat po.
Gamit Ni Baby
Mommies 31wks (7mos) pregnant po ako ngayon pero ngayon palang po kami nag sisimulang nag ipon ng gamit ni baby. Ano po ba mga dapat bilhin na sure na magagamit po namin ni baby. Pati na rin po mga need dalhin sa hospital bags namin. Salamat po 😊
Baby's Kick Monitoring
Mommies pano po mag track ng movement ni baby, ang sabi po kasi saakin dapat 10movents 2hrs after kumain. Di ko po maintindihan kung maghihintay po muna ako ng 2hrs after kumain bago magbilang or within 2hrs right after kumain po ako mag sstart ng bilang.