sa first pregnancy ko po unang lumabas sakin is dugo, 38weeks and 3days ako nun, nagpunta na din po kami ospital nun kasi isa sa mga payo ni OB na pag may discharge na dugo dumiretso na sa ospital, pagka IE sakin 1cm palang pero dahil papasok palang ang pandemic nun di na ko pinauwi, ini induced labor na ko, nilalagay lang po sa IV yung gamot pampainduced, mataas taas pain tolerance ko pero masakit pa rin sya hehe parang dysmenorrhea lang ang sakit nung simula pero nung malapit na sya lumabas dun pinakamasakit yung hilab, after 22hrs induced labor (di naman sobrang sakit nakakaidlip pa nga ako nun hehe) ayun baby out 8:23am at 38weeks 4days 😁
In my case po unang lumabas sakin is dugo and matagal progress ng pag open ng cervix ko. Naka ilang balik ako ng hospital pero ayaw ako iadmit dahil nga 2-3cm palang daw ako kait dinudugo na ako. Hindi ko na kinakaya yung sakit at halos di na tumitigil, kaya sa lying in na ako nag pa diretso. Dumating kami sa lying in ng 11:50pm then 12:06am nanganak na ako. Induced labor kasi 6cm palang ako, mas masakit daw talaga siya kesa sa normal labor. Pero kaya niyo po yan! Ipon lang po kayo ng lakas at kumain kasi nakakapagod po ang induced.
sa experience ko po may nilagay ung midwife sa vagina ko na gamot para humilab tiyan ko. sobrang sakit nong pag insert niya ng gamot sa vagina ko hahah. kaya po ako na induced labor kasi tumae na si baby ko sa loob, 1cm pa lang cervix ko at 38weeks, at biglang pumutok panubigan. then, after ilang oras, nag start na sumakit tiyan ko hanggang sa napapaire na ako and ayon po lumabas na si baby ko hihihi. muntik na akong ma cs :>
Ftm here. Induced labor po ako kasi pumutok na panubigan ko pero 1cm palang ako. Scheduled check up lang sana ako nun kase week before nun close pa cervix ko. Sobrang sakit maglabor. Sabi ko nalang nun sana i-cs na ko pero mabuti nalang at kinaya naman na normal. 10-12hrs siguro ako naglabor.
Induced ako sa 3 kong anak at sobrang sakit , pain is 100/10.. nakakatrauma.. lagi ko nalang sinasabi na last na to last to pero amg bilis ko naman kase mabuntis. once nagexpire family planning ko mabubuntis kase agad ako kaya ganon pero btw makakatrauma sa sakit.
mga miihh, tanong ko din po if nangyayari ba talaga ito? sajting ika 5th weeks ko po nagkaron ng ganyan
Up po hehe
Anonymous