Nana sa tahi (normal delivery)
Mga mommy ano po kaya pwede kong gawin? Parang may nag nana po kase yung tahi ko sa pempem 1 week and 5 days napo ako. Salamat po!

Sa experience ko naman, Nagnana siya for 4 days tapos mabaho, wala akong binago sa paglilinis ng pempem ko, 8 days na tahi ko pero parang gumaling na siya, wala naakong sakit na nararamdaman. Ang ginagawa ko kase hugasan gamit yung betadine feminine wash, tapos patuyuin private area gamit tissue or towel na malinis tapos yung maternity pad na gamit ko binuhusan ko ng alcohol kase nakakagaling daw yung fumes nun. Super effective nung sa alcohol ang lamig sa sugat at hindi masakit, since day 2 yung sugat ko nung nagstart akong maglagay ng alcohol sa pad ko.
Magbasa paNagkanana din akin inadvise ako na palitan ko ang femwash ko ng gynepro. If masakit mommy pacheck up na po sa ob. Lagi mo huhugasan mommy din ng normal na tubig lang wag maligamgam kasi natutunaw ang tahi na di pa magaling ang sugat mas magkakanana.
Parehas tayo.. Ewan ko kung na open ba yunh side ng tahi ko sa may pwet.. Kasi pabilog sya.. Naghahanap ako ng dahon ng bayabas kaso wla super effective nun gamit ko sa 1st born ko.. 1week lng ok na yung tahi ko..
Pacheck sa OB. Nagkaganyan ako nung manganak ako paano kasi sabi ng mga tita ko hugasan ko ng maligamgam. Ayun natunaw lahat ng tahi. Wag na wag maghihugas ng maligamgam
Ano po ginawa nyo nung nagkanana
Mommy try nyo po panghugas ung pinakuluan na dahon ng bayabas then alcohol tapos ung vetadine na bigay ng ob nyo. Sakin po kasi ganun lang 1week lang tuyo na
Minsan po kala nyo nana pero yun na po yung sinulid na ginamit pang tahi. Nalulusaw po kasi sya kusa kaya mukhang nana.
sis pwede ba na mbaho yung amoy
Ano po ba pinanghuhugas niyo sa tahi mo po? Betadine feminine wash lang po twice a day para mabilis mag heal.
Momsh nilaga dahon ng bayabas 3 times a day with betadine fem. Wash mabilis gumaling tahi..
Ano po ginawa sa tahi nyo sis? Sakin din kse parang may nana po kaunti sa pads
Betadine Fem.Wash 1wik lang magaling na tahi ko, di rin ako gumamit ng warm water.
kumusta na mommy? ok na po ba tahi nyo?