No sign of labor

Mga mommy 38 weeks 3 days na ako pero still no sign of labor 😩 1st baby ko po ito . Nag tatake na din ako primrose oral 3x a day , at tagtag naman . Ano po dpat gawin ,ganito po ba talaga kapag 1st baby . Gusto ko na po makaraos 😬

33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy's, ako LMP: 38 weeks and 6days, sa first ultrasound and BPS ku is 37 weeks and 5days.. not in active labor. pero ngpacheck up ako sa OB ng ika 37weks and 1 day... ginawa sakin IE .. taz bigla dinugo ako wholeDay, pero sabi nya its ok don't worry kxi open na rw cervix ko at nsa 1-2cm na rw ako...im in a labor na rw pero pero di pa active..so hinayaan ko...kinabukasan nwala rin ung bleeding..pero on the other day meron mucus plug na my ksmang light blood nasya,, taz nhilab hilab na ung tyan ko...pero tolerable nman sya at nd dumidiretso ung pain.. worry ako bka kxi pumutok na pla panubigan ku ng nd ku alam kxi mayat myat ako naihi😓 kelan kya the na pumunta sa OB Doctor 🤔

Magbasa pa

share ko lang po. kakapanganak ko lang last oct. 22. 38 weeks. wala dn ako naramdaman na naglilabor na ako pero manganganak n pala ako. sakto, yung schedule check up ko, pag IE saakin. 4 to 5 cm na. manganganak n raw ako. kaya pinaadmit n ako ng aking attending OB. though wala akong nararamdaman na masakit, may konting brown discharge na ako nun. pero patak lang talaga. nung naadmit na ako, around 7pm, naninigas lang madalas tiyan ko .pero walang pain, hanggang sa pinutok n ni doc yung amniotic fluid ko kasi 7 to cm na ako. nag start lang yung contraction ko, 10pm na. nanganak ako 12:49am. possible pala talaga yung hindi nalabor. kaya importante ang rwgular check up sa mga buntis.

Magbasa pa
2y ago

sa thursday pa po checkup ko kay OB . sana may progress na po . slamat mii

momsh maglakad lakad ka , kasi saakin nun malapit na due ko 1 day nalang before due ko still no feel or sign of labor ako ginawa ko naglad ako hanggang sa napagod na ako nagrest ako awhile then dumating na due date ko june 10 , 2018 morning still naglalakad parin ako ng naglalakad hanggang napagod nanaman ako nagrest a while hindi na ako kumain ng kanin native egg at mamon ang kinain ko para di matae incase manganganak na ako and 5pm nafeel ko na ang back pain tinry ko maglakad pero diko na kaya . kaya nagpatakbo na ako sa 1st baby ko ha

Magbasa pa

Ako mi via lmp:36w/2dys via BPS:37/1dy tapos kanna nagpacheck up ako 2cm na daw ako at ang pinapainom sa akin Borage oil. tapos my discharge na ako ng dugo pero kaunti lang naman iniisip ko baka sa pag ie sa akin knna.wala pa naman masakit sa akin. gusto ko sana maka abot man lang ako sa 38weeks para talagang sulit.ung binigay sa akin na pampalambot ng cervix (Borage oil)di ko muna ininom🤣yung iba gustong gusto ng manganak ako ayaw ko pa naguguluhan din kasi ako sa kung ano ang sundin kung ung LMP ba or BPS haizttt

Magbasa pa

Ako momsh, 40weeks na noon pero no signs of labor. Umihi ako ng 3am tapos may brown na and kaunting dugo. Tapos wala pa rin signs. Dinala ako sa ospital, paubos na pala panubigan ko kaya ang ending, na-CS ako. Kumain lang ako ng pinya at uminom ng pineapple juice nung hapon tapos ayun na, pumutok na panubigan ko. Try mo yun momsh tapos lakad lakad ka rin ng as in tagtag.

Magbasa pa
2y ago

Sept. 6 ako ng hapon nagpabili sa papa ko ng pinya, isang slice lang. tapos nagpabili rin ako ng del monte pineapple juice yung unsweetened. kinaumagahan, ayun na. Di ako nakaramdam ng labor pero pumutok na pala panubigan ko. Buti naagapan kasi bumuka na pala cervix ko. Nung nasa ospital nga ako, kulay green na lumalabas na tubig sakin nung na-IE ako. Tapos nag induce labor pa ko ng almost 3hrs pero pinapirma na asawa ko for CS kasi nawawala na heartbeat ng baby ko. Ewan ko lang mommies kung natapat lang talaga na pagkakain ko ng pinya is manganganak na ko kinabukasan which is EDD ko talaga.

Kain ka ng spicy food, akyat baba ka sa hagdan and mag labour exercise sabay ng prayer po. Ako kasi 1 week akong 2-3cm lang naka swab na ko hanggang na expired na then nov 2 morning nag labour ako ng 6cm kagad. Pinag lagay rin ako ng 4 primrose sa pwerta then inom 3times a day ng primrose at buscopan venus.

Magbasa pa

normal lang madelay kapag 1st baby. ako din po nanganak ako oct 13 sa 1st baby ko. and oct 10 yung due date ko. sabi ng midwife ko wag mastress sa duedate kasi. its either advance ka ng 2 weeks or late ng 2 weeks sa due date. the more na mastress ka kasi mas lalong nadedelay

kung ginawa niyo na po lahat ng possible na paraan para bumilis ang pag labor eh wait niyo na lang po talaga kung kailan lalabas si baby. kahit ano po gawin niyo kung ayaw niya pa lumabas di pa siya lalabas 😅

Same momshie. Nagspotting na ako pero walang pain na kasama. sabi ng Dra. ko, wait na maging regular ang pain pero still waiting for that pain. Mukhang mataas kaya pain tolerance ko? sana makaraos na rin...

2y ago

hindi rin po. malalaman niyo po talaga yan kapag regular na talagq yung pain. di niyo na malaman kung san nang gagaling yung hilab 😅

40 weeks and 4days na ako ngaun mga Mii Panay sakit lng Ng balakang ko Hanggang legs,then naninigas narin tyan ko nawawala bumabalik,sign. na po ba Yun Na malapit na akong manganak??