77 Replies
Sobrang okay mag order sa shopee. Almost 30k nagastos ko just last year kasi maramihan ako lagi bumili. Enjoy mamili at maganda quality ng products. Natry ko na from skin care, to undergarments ng hubby ko, tshirts, napkins na may negative ions at marami pang iba. Basta tingin ka lagi sa reviews at wag matakot magchat sa seller if you have any questions becore placing your orders. 😊 At kung in doubt kapa rin, try to find shops with available COD sa area mo. Kasi tulad mo ako noon, may trust issues at di marunong ng pasikot sikot sa pag online shopping pero na eenjoy ko na ngayon. Lalo na't stay at home mom ako. Dun ko nabibili mga gamit na kailangan ko na di available sa area ko mismo. Enjoy mo lang. God Bless 😘
Maraming seller nang baby items sa Shopee na Carter's Brand or other brands na good quality talaga. Kaso basa basa din nang reviews kasi baka mag deliver nang damaged item. So far maganda experience ko sa pag order ko nang baby items sa Shopee pero iilan lang ang Seller na pinagkakatiwalaan ko. Maganda dito kasi very useful yung vouchers lalo pag Cashback Vouchers, Discount vouchers at Free Shipping/Discounted Shipping Fee Vouchers. Pero marami din magagandang items sa Lazada pero limited lang ang choices. ❤️
kami ayaw namin s shoppee twice n kami nagpacancel ng order jan kc pag check out k n may ikiclick k dun pra free delivery pero khit iclick mo pg dting ng order mo may delivery fee p dn n 300. jan kami umoorder ng diaper dti ndi namin tinanggap ung order namin tpos sbi khit daw may sf n 300 mas mura p dn daw un. eh mas makakatipid k n pag bumili ka s market ng diaper kaibahan lng ikaw magbibitbit.
Satisfied ako sa order ko sa shoppee pero siympre para maging surr talaga ako I always read sa mga reviews since sa lazada kasi walang masiyadong reviews ako na nababasa sa mga product unlike sa shoppe all buyer meron at meron iiwan na comment kung good or not sa sa lazada naman star ratings kalang so for me better padin at mas okay sakin ang shoppee.
Latest order ko yung pang new born ang cute ng damit...hopefully kasya kay baby pag labas nya...and make sure to read the comments talaga before ka mag order kaso yung ibang supplier di man lang iniisip kpakanan ng mga babies natin bastat mka benta lng okay na sila meron din nman seguridad inuuna ng supplier ang quality ng products nla.
Hhmmm..ok naman Ako kase suki na sa shoppee pero before ako mag order binabasa ko muna ang feedback ng mga nakapag order na ng item. Pati pic. Na pinopost sa ratings check mo...minsan kase magkaiba sa pic. At personal..basa basa ka muna ng feedback sa ratings dun ka magkaka idea 😊😊😊😊
Lazada & Shopee both are okay naman po. Mostly kasi bumibili ako sa mga yan for my little one at sa mismong flagship store ako bumibili para legit. Hintay hintay ka lang sa mga big sales or ipon ka ng mga coins sa shopee para maka lessen din sa bayad. :)
Yes. Dami ko na na order s shopee. Haha like: sakin - nursing blouse, bra, baby - sipping cup, suction plate, damit for xmas, pampers, books Sa bahay - mga pang bake.. ingredients, gamit sa pag luluto Others - voucher nagamit ko sa pag donate.
Okay naman yung ibang seller nakailang order na ako, pero sa experience ko may seller na hindi naguupdate ayun naghintay ako ng 3 weeks di na pala dadating order ko kasi nawala nung nag dedeliver kahit maganda ratings and feedbacks nila.
Yes po as of now si shopee and lazada lang inaasahan ko ngayon para makapamili ng gamit ni baby, pero kpag on vacation si seller, ginagawan ko paraan para mag direct order sa knila, para mabili ko agad yung gusto ko para kay baby.