Lagnat? Ngipin.
Mga mommies,madalas ba tlaga lagnatin ang mga baby pag may palabas na ngipin sa gums? may 2 teeth na si lo ko sa baba(nilagnat din sya nun nung palabas yung dlawang yun). then kanina bigla sya nilagnat 38.1° pero wala naman sya ubo or sipon, pero napansin ko may palabas na ngipin sa harap,bandang taas. pa share ideas naman mga momsh sa mga may experience na jan. Salamat 🙏
Nangyayari po talaga yan mii. Sa baby ko 3months plng nagstart na siya yung bigla lang nilalagnat pero wala namang kahit ano, hindi ksi siya sipunin at ubuhin. Nung pagtuntong niya ng 4months ayun sumilip na 2 teeth niya sa baba. Nasundan yun ng 2 teeth naman sa taas. After nun, nagsabay naman tig-dalawang ngipin na katabi taas at baba. 8months siya, 8teeth na ang meron siya. Nagstruggle kami ng bongga kasi nagtae talaga siya tho hindi naman siya madalas na lagnatin talaga. Napacheck kami sa pedia, palit milk, diaper, 3 cream pahid sa bum area dahil sa rashes plus vial and vitamins. Now na 15months na siya, 16teeth na agad. Ngayon, nagngingipin na naman yata kasi madalas na naman siyang nangangagat😅. Advise ko mii ano, pag may lagnat lang painumin ng paracetamol. Lagyan ng protection cream ang area every time magpapalit ng diaper. Kapag nagtae talaga siya, wag na sabunin kapag huhugasan. Diretso na agad sa running water tapos tapik tapik lang pag pinunasan. Bantayan kahit sa gabi para kapag nagpoop siya mapalitan kaagad at hindi mababad. Cotton and water nlng ipanglinis sa gabi. Do not use wet wipes. If ever may kakaiba talaga kay baby, wag magdalawang isip na magconsult sa pedia.
Magbasa paHindi ko po sure pero since nag 38 po puwede niyo na po painumin ng paracetamol para makatulong rin po sa pain ni baby
yes momsh nakaparacetamol na si lo. thanks momsh
Proud mommy of 4♥️ 19 | 15 | 8 | 1