Amoebiasis 10 month old baby

Hello mga mommies! Wag nyo sana ako i judge kahit ako nahihirapan na. Ilang beses nabalik ang amoeba ng anak ko. Nag start yun nung pag balik namin ng outing noong May. Ngayon po ilang beses na bumalik yung amoebiasis na yan. Hindi ko alam san kami nag kukulang, kasi lahat naman ay nililinis ng maayos lalo na sa food nya. Absolute yung water nya, sa ka-praningan namen minsan pinakukuluan na din namen. Hindi ko na alam gagawin ko 1st week of July nag positive sya ulit. Tapos ngayon feeling ko meron na naman. e wala pa nga 1 week ng pag galing nya. Feeling ko lang kasi parang basa na naman yung poops. Naging okay naman na sya nakaraan. Tapos eto na naman feeling ko meron ulit. Pa advice naman po san pa kaya ko nagkulang? Kahit tubig nya sa pang ligo nakabukod, Pati lagi na kami nag aalcohol. sa lugar po kasi namen gabi lang nagkakatubig kaya nag stock lang kami. Tsaka ano pa ba pang palakas ng resistensya nya para di na sya tamaan ng amoeba. sa mga naka experience po ano ginawa nyo?#advicepls

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung kapatid ko po, pero 6 years old na laging dinadapuan ng amoeba kapag bumibili ng mga palamig sa gilid gilid ng school nila. Maselan din po sya up until now na 10 years old na sya. Separate po lahat ng kanya talagang alaga po siya.

Momsh pakuluan nyo na din po yung lahat ng tubig na pampaligo nya or purified water ang iligo nya.my amoebiasis din anak ko,nakuha sa tubig panligo.ky mula noon pinapakuluan ko na panligo nya.

2y ago

yun din po iniisip ko na dahilan bat nagkaka amoeba sya tinitikman nya po ung tubig pag naliligo sya 🤦🏻‍♀️

Mga laruan na nasusubo, or palit brand ng tubig. Hindi ko sure yung sa resistensya para amoeba dahil nasa surroundings din po yan.

VIP Member

Hello Mommy napacheck niyo na po ba sa pedia?

2y ago

yun nga din po siguro dahilan bat sya nagkaka amoeba. hays. Buti po tumibay na tyan ng baby nyo, sana ganyan din LO ko natatakot kasi ko baka hanggang paglaki nya mabilis pa rin magka amoeba. May pinapainom po ba kayo vitamins para tumibay yung tyan? ano po ginawa nyo?