change of civil status
hi mga mommies .. tinatanggap Po ba sa sss philhealth at pagibig Ang certificate of marriage ? for changing civil status ?? 3 mos plang kmi kasal ni hubby kaya Wala pa psa Sabi kse nila 6 months bago mkakuha
s PhilHealth at Sss po okay lng ung galing s city hall pero pagibig po mahigpit cla..Psa copy lng po tinatanggap nila..kahit certified copy p ung ipresent mo sakanila di k nila entertain unless PSA ung ipepresent mo.
Samin sis tinanggap nman.. Sa pag ibig lang medyo mahigpit gusto nila galing PSA mismo kaya after 6month pa kame nakapagchange status sa pagibig pero sa sss/philheatlh nakapagchange status agad kame..
Magpa Certified True Copy po kayo ng Marriage Cert tas ipa-photocopy nyo, un ang ipasa nyo.. Di kasi tinanggap sa akin noon sa SSS ung Receiving copy lang na galing city hall.
Yes sis, tinatanggap po yan.. Last dec lang kami kinasal ni hubby and naka kuha agad ng marriage cert this january, naupdate na namin sss, philhealth saka pagibig namin π
Tinatanggap po yun, make sure lang na wag mo ipasa yung original. Pwede naman yung photocopy e π
Yes po tinatanggap bring orig and xerox ichecheck lang nila orig then babalik din sayo sis
Yes po momsh. Present ka lang original copy marriage certificate and a photocopy of it.
Yes po certificate of marriage po ginamit ko sa pagpapachange status sa sss at philhealth
Yes po tinatanggap nila. Paphoto copy nyo lang po para yun ang kukunin nila π
Yes pwede po magdala ka lang xerox copy sa inyo po yang orig na hawak nyo.