Oversupply?

Mga mommies tanong ko lang po ano dapat kong gawin, two days na po ako nilalagnat and nag chi-chills pa during the night kapag malamig. Sabi nila dahil daw sa gatas, breastfeeding mom po kasi ako right now. Sobrang bigat ng mga dede ko and pag na pump naman parang ang bilis bumalik ng milk. Sobrang lakas din ng let down ko tipong basa talaga buong harap ng damit ko palagi. Sabi kasi nila kailangan ko daw i pump since konti palang naman nadedede ni baby (1 week old palang po siya). What should I do po ba? Worried talaga ako sa lagnat ko kasi di maka kilos ng maayos and di maalagaan si baby ng maayos. Tapos ang hassle pa ng let down lalu na pag kailangan umalis since check up na ni baby niyan.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hot compress sa boob before kayo magpump. Tapos hand express mas effective. So pwedeng hand muna tas saka kayo magpump. Pwede kayo maghanap ng home service lactation massage. @MassageMNL sa IG check niyo po. May namumuo diyan na di niyo malabas kaya ganyan pakiramdam. Dapat kasi after pump mas magaan na feel ng boobs. Parang empty na. Pag hindi, ibig sabihin meron pa.

Magbasa pa