Burn Out sa Trabaho
Hi mga mommies, sorry dito na ko nagshare kasi gusto ko lang talaga ilabas to. Napapansin ko after ko manganak na parang hindi ko na kaya mag trabaho ng matino under heavy pressure? Hindi na ko masaya sa trabaho ko. Hindi na sya fulfulling unlike noon. At pagsinasabi ko naman sa pamilya ko na ayaw ko na magsundalo at mas gusto ko iprioritized ang anak ko lagi nilang sinasabi na bakit daw ako aalis e ang ganda ng trabaho ko. Tuwing sinasabi nila yun tumatahimik na lang ako. Hindi ko lang masabi sa kanila na minsan sa sobrang daming gagawin namimental block na ko. Para akong kandila na nauubos. Pagod na pagod na ko. Sa sobrang lutang ko naaapektohan na ang trabaho ko. Palagi na kong nagkakamali at napapagalitan. Nahihiya na nga ko sa mga katrabaho ko dahil dun. Gustong gusto ko na umalis pero hindi ko magawa dahil kaka renew ko lang ng enlistment ko. Stress na stress na ko hindi ko alam ang gagawin ko.



