premature baby

Hi mga mommies sino po dto naka experience ng na premature yung baby nila? Yung akin po kase twins baby plano ng doctor na paanakin na ko next week 34weeks palang po ako ??‍♀️ share naman po kayo ng experience nyo natatakot po kase talaga ako ..

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bali dalawa po kase pinapag check up an ko. Yung isa sa public isa sa private ang sabe sakin ng public ilalabas na daw ang baby ko ng 34 weeks. Samantalang sa private ginagawa nya lahat para manatili si baby sa tyan ko makumpleto yung buwan pinapainom ako pang pakapit saka pinapag bedrest ako. Para wag daw pumutok panubigan ko... ewan ko ba dto sa public bat ganun advice sakin. Kung tutuusin gusto ko manganak dun sa private kaso hindi ko kaya ang laki ng magagastos namin 🤦🏼‍♀️

Magbasa pa
5y ago

Lamu dear, if ever susundin mo si public OB tapos CS din pala ang bagsak tapos mag NICU din sila kambal, malaki din aabutin ng gastos mo. Whereas kay private OB, kita mo naman tinutulungan ka nya na magfull term. Malay mo mafull term nga at mainormal mo pa. So baka mas mura pa yan kesa dun sa posibleng abutin sa public. Si OB ko private. Pero honest to goodness ako sa kanya pagdating sa budget. Ngaun mahal din ung pampakapit na gamot na nireseta nya saken kc gusto nya magfull term ako. Pinagbed rest na din agad ako nung 7mos kc ambaba agad ni bunso. Nung sinabi ko na wala na ba ibang way para makamura sa gamot, biniro nya lang ako. Sabi nya mamili daw ako ➡️ Php 200/day na gamot o Php 5k/day na ospital bill pag napaaga ung labas.. 🤣🤣🤣

Hi mamsh! Twins din ang babies ko pero sabe ng OB ko, paanakin ako kapag umabot na at least ng 37weeks para hindi sila premature. Monochorionic-monoamnitic ba twins mo? Medyo delikado yun pero kaya naman imonitor sa ultrasound yung lagay ng kambal lalo na every week dapat may sched ka na sa OB for monitoring nyan. Mas okay kung ma-full term mo ang kambal para hindi na sila ilagay sa NICU which is mas magastos.

Magbasa pa

Sis ako premature ang baby ko 36 weeks ko sya pinanganak ..oras Lang ang tinagal nya Sa incubator kase malakas naman si baby kulang Lang sya Sa timbang. Pero Sa private ako nanganak dun kase OB ko At kompleto sila Sa gamit pag private’s yun nga Lang mahal.pero Pwede naman Sa philhealth.. Package yung nakuha ko normal delivery ako.

Magbasa pa

Ang aga namn ng 34 weeks. Sinabi ba sau ni OB bakit need mo na manganak? 38-40weeks kc ung dpat. Pag less than that, baka need magstay ni baby sa incubator.. Magastos pag ganun..

5y ago

Trust your OB nlng dear. Kung may chance naman na makausap mo pa sya bago ka paanakin, wag ka na mahiya magtanong if kaya ba magnormal delivery sa 34 wks. Kamo wala ka extra budget for now. Sasagutin ka naman nya ng tapat if hindi talaga. Ganun din naman gnawa ko dun kay panganay, tinapat ko c OB na kulang talaga funds ko. Pang normal lang. Tinulungan naman nya ako. Buti nakisama din lahat (ung katawan ko at si baby). Eto ngaun kay bunso, un uli request ko kanya.. Normal IV-sedation pa rin gaya nung una. Sana maging ganun nga next month.

VIP Member

ano pong reason ni doc bakit nid nyo na mapaanak?

5y ago

if un po ang nkita s ultrasound magtiwala po kau s OB kc alam po nla if delikado or ndi ang sitwasyon.