WALANG PAG LILIHI

Hello mga mommies. Sino po dito hindi nakakaranas ng pag lilihi, morning sickness, pagsusuka, ni kahit paghihilo wala, or any pain? - first time mom po ako. 9 weeks.

36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sana all. Hahaha ang hirap maglihi sis. Pero normal lang yan. Iba iba kasi tayong mga babae kung pano magbuntis. Ako naman mula simula hanggang ngayon 10 weeks na ako grabe ang morning sickness at food avertions ko. Wala ako makain. Ayaw ko sa amoy ng bawang, ayaw ko sa de lata, ayaw ko sa gulay. Ayaw lahat. Hahaha hirap sis. Kaya mapalad kayong mga hindi nakaranas ng paglilihi. 😅 First time mom din ako.

Magbasa pa

hello share ko lng, 9weeks na rin akong preggy at wala akong nararamdaman na khit ano, nag aalala ako kung okay paba si baby sa loob ng tyan ko, nakunan na kasi ako last january at araw araw ako bine bleed. ngayon 9weeks nako sa second pregnancy ko wala akong nararamdaman na kahit ano, or paglilihi. basta delayed then pt lang ako.

Magbasa pa

Meeee! Ganyan ako momsh nung nagbubuntis. Di ako nakaranas ng Hilo, Lihi or kung ano man signs. I ask my OB kung normal lang ba na di naglilihi, Hilo or Suka. Sagot ni OB "Mapalad ka kung ganun wag muna pangarapin para di ka mahirapan sa pagbubuntis hahaha"

5y ago

Hindi pa po ako naka pa check up since I found out na buntis ako because of ecq. Buti nalang merong ganitong apps nakakatulong talaga sa atin mga buntis esp ds time of pandemic. Nakuha ko lang sa website din na I shud take vitamin C, folic acid and anmum. Kaya un lang yung mga iniinum ko as well as healthy diet and exercise.

Ako 10weeks pregg. Sensitive lang ngayon pang amoy ko parang lahat mabaho khit alcohol kaya nasusuka ako. Yong lang nararanasan ko ngaun 😢 hirap kc di ako mapakali. White flower nalang inaamoy ko para makatulog .

Ako mommy hindi naglihi. Pero nung first trime everyday halos morning sickness ko. At di lang siya morning. Sobrang hirap. Work and study pa naman ako nun tapos prep din sa kasal. Lagi ako absent 😅

Same feeling. Pero ako narealize ko na buntis ako ng 16 weeks. ☺. Maliban sa nag attitude ang mister ko, normal naman ang lahat until naisipan kong mag PT.

VIP Member

🙋‍♀️ sa pangalawa at pangatlo sa bunso ako binawian halos di na ako kumain, every other day kain ko kasi pakiramdam ko lagi busog ako

Me 🙋🙋🙋 Kaya 4mos na si baby nung nalaman ko na buntis ako. May pcos din kasi ako kaya sanay ako na walang mens ng matagal.

5y ago

Same Tayo sis,now I'm in our. 26 weeks

First trimester wala akong paglilihi. Pagdating ng second trim, nagsilabasan na lahat ng paglilihi ko. 😅😅😅

Me. Both kids ko di naging maselan pagbubuntis ko. Nadelay lang kaya nag pt. Literal na lumaki lang tyan ko 😂