Out of curiosity lng po as a first time mom 🤗 Hoping & praying for a healthy baby❣

Mga mommy ask ko lang po as a first time mom, normal lang ba na walang morning sickness at walang pag lilihi ang buntis (3months)? Di ko pa po din alam kong saan ako nag lilihi eh😅, at minsan feeling ko or pumapasok sa isip ko na baka hindi ako buntis😅 kasi nga wala akong na experience na morning sickness 😅, pa sagot naman po para makampante ako.🤗 #pregnantmomma #14weekspreggyhere

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan Ako sa panganay ko as in Wala lang Basta buntis Ako nalaki Ang tyan, pero Dito sa padalwa tsaka Ako nakaranas ng morning sickness, maselan na pang amoy, naduduwal, at nag ccrave bigla bigla sa maasim at matatamis hehe iba't iba talaga pag bubuntis 😅

1y ago

same nga tayo mi hehehe pero Ngayon mag 10 weeks nako nawawala na sakin

same here. 12weeks pregnant no morning sickness and cravings. Actually, I asked my OB if normal lang ba yun sabi nya normal lang daw kasi iba iba daw naman ang buntis. basta nakakaramdam ka padin daw ng symptoms like sore breast oks pa daw si baby sa loob.

1y ago

ah ganon po ba pala mommy😅, nakakapagtaka kasi eh akala ko fake news lng to😅. Ayun nga lagi na masakit yung dede ko na lumalaki😁 juntis nga talaga 😂. saka pa lalaki ang dede ngayong nabuntis na ahahahah sanaol

TapFluencer

Meron po kase maagang maglihi or late maglihi. Iba iba po talaga tayo pagdating sa pagbubuntis. Ako po naramdaman ko lahat ng hirap 1-3 months ngayon 4 months na tiyan ko sa awa ng diyos bumalik na lahat sa dati. ☺️

1y ago

same tayo mi ☺️

suwerte mo wala ka naramdaman na morning sickness ako halos gabi-gabi hirap ako makatulog kasi laging akong nasusuka at masakit ang ulo..enjoy mo lang yan mii

First baby ko nung 28 years old ako, wala din akong nararamdamang morning sickness, pero ngayon na 40 na ko at buntis ulit andami kong nararamdaman. Hehehe

Same po sa exp ko mamsh 11 weeks nako now awa ng dyos same padin ng dati :) maswerte tayo mamsh dahil di tayo ganun ka nahhrapan 🫶❤️

Same po. Wala po akong morning sickness o paglilihi. Breast soreness and frequent urination lang. pa Minsan naduduwal pero di nagsusuka.

Normal lang sis. Ako 14weeks now, ni minsan d ako nahilo nagsuka o ng crave. 10-20% of preggy women lang kagaya ntin. So God bless po!

1y ago

kaya nga po eh, as a first time mom talaga nakaka curious po😅, kaya pala sabi ng iba na maswerte daw ako na hindi ako nakaka experience ng malalang pag bubuntis😁, thank you po sa pag sagot po God bless!🤗❣

normal po. ako simula nung 7weeks nawala na hilo at pagsusuka ko, pero okay naman si baby sa tiyan

1y ago

ahh ganon po ba, thank you po sa pag sagot po God bless 🤗❣

same HAHAHHAHAHA first time mom here also #13weekspreggy 💗