7 Replies

Pacheck niyo po sa pedia para sure. Nagganyan din kasi si lo ko. Nawala siya for ilang days tapos humalik ulit saka namin dinala sa pedia. Pinagpalit kami ng bath wash ni lo from baby dove to cetaphil tsaka merong nireseta na cream.

Pwede rin po kasing magkaherpes si baby kapag kung sinu-sino humahalik. Baka po kasi merong makahalik na unconsciously meron palang infection, delikado yun sa baby. Ako, hinahalikan ko si baby pero hindi ko siya pinapahalikan sa iba. Lalo kapag alam kong naninigarilyo yung gusto humalik, No no talaga. Si hubby nahahalikan niya lang si baby kapag bagong ahit siya, as in yung kaahit lang. Kaya every day siya nag-aahit ng balbas at bigote. Di rin pwede hawakan si lo kapag hindi nag-alcohol yung hahawak. Maarte na kung maarte pero pineprevent ko lang na magkasakit yung baby ko. 😅😅😅

Same to my baby last time. Hindi po kayo maniwala sinunod ko lang po biyenan ko at mga ate kong may mga anak na din.. hilamusan daw si baby sa mukha ng bulak na may gatas mo. Breast milk po. nawala naman po.

Pa check up mo na sa pedia. Kami non pinapalit baby wash nya tas every bath lotion ko lang daw kasi kahit sa hita nagkaron din baby ko. May cream din binigay which is Hydrocortisone. mas maganda pa check up mo na

At iwas muna talaga humalik halik maselan pa yan 1 month palang pala. Wag mo papahawak o papahalik lalo na pag galing sa labas yung tao. Mas maganda maligo muna at mag alcohol. mas maganda nang maingat di talaga pede kung kani kanino pinapahalikan ang baby lalo na sa lips. Big nooo

breastmilk po, nawala yung rashes sa mukha ni baby. Avoid mo lang din ipakiss si baby sa mukha.

Eczacort po, 2x a day ipahid sa area na may rashes.

Effective po, yun po yung nireseta sakin ng pedia ng lo ko.

Consult kana sis

Same here momsh

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles