Hello mga mommies! FTM here at 37w1d na ako.
Sobrang happy ko today kaya isi-share ko lang sa inyo yung 1st experience ko, buying my baby's clothes and CDs from shopee.
Yup. 1st time ko umorder sa shopee ?
3 weeks ago ako nag start magbrowse at umorder sa shopee at halos lahat talaga binasa ko yung mga comments kasi ayaw ko naman na pumalpak yung mga oorderin ko. And it turned out to be sooooo good and satisfying! Medyo iba iba yung tela ng onesies pero presko naman sya at cotton. Lahat random kaya masusurprise ka nalang sa ibibigay ni seller. At lahat nagustuhan ko. Medyo matagal lang sya dumating dahil sa crisis natin ngayon. Pero super worth it talaga!
2,287.00 lahat ng binayaran ko ngayong araw dahil lahat talaga sabay sabay nagdatingan including CDs na 2 weeks ago ko inorder
14 pcs onesies + 1 baby blanket/towel = 1083.00
8 pcs CDs w/o insert = 1204.00
Hindi na ako bumili ng inserts kasi madami kaming lampin nung bata pa kami at lahat in good condition pa. Super kapal din including lampin ng tatay ko na 55yrs nang lumipas pero good as new talaga sya. Baking soda at almost 1 week na babad at kusutan ang ginawa ko ?
Eto pala yung mga shops na binilihan ko. Baka sakaling makatulong sa mga kapwa ko FTM na hirap din mamili ng ibang gamit ni baby
•yuxi.ph
•blab.ph
•hjclassicware