Hello mga mommies. Share ko lang po experiences ko since I got pregnant. Nung 1st tri ko po, 6weeks palang ako meron ako UTI, so nag anti biotic (zegen) po ako for 10days.. on my week 9, nagrepeat urinalysis po ako and meron pa din po ako UTI, so umulit po ako ng antibiotic pero ibang brand na po (co amoxiclav), by this time po, nagkaroon din ako sa SCH, kaya nagduphaston po ako for 1week then pinalitan ng OB ko ng progesterone. Tinurukan niya din po ako pampakapit then nag full bedrest ako. Nawala naman po bleeding ko, then vitamins nalang iniinom ko. Recently lang when I entered my 15weeks, parang mejo masama pakiramdam ko, nagcheck ako ng temperature, tumaas siya to 37.8, so minessage ko OB ko, inadvise niya na pag umabot ng 37.8, uminom na ako ng biogesic kasi masama sa buntis magkalagnat. Mejo natakot na ako so sinunod ko, uminom ako isang beses. Kinabukasan, umakyat ulit sa 37.8 Body temp ko, so sinuggest na ng OB ko na mag every 4hrs ako biogesic for 24hrs at pag bumalik pa din lagnat ko, mag ER na ako. Pero dahil natakot ako mahalo sa may mga cases, hindi kami nag ER Kasabay nun lots of water and nagpupunas ako ng malamig na towel. Kinabukasan, kala ko di na babalik lagnat ko, pero nun gabi bumalik ulit, pinaka mataas ko na temp is 38. So umulit ako ng biogesic for 24hrs every 4hrs. Kasi ayaw ko talaga magpadala sa ER. Plus sponge bath ulit.. kinabukasan ok na ako and hindi na bumalik lagnat ko. Mejo nagwworry lang ako mga mommies, sa 4mos na journey ko palang, ang dami ko na gamot na tinetake, hindi ko maiwasan mag alala sa baby ko na baka maapektuhan siya. Lalo na sa mga nababasa ko. Kaya minsan, iniiwasan ko na din magbasa, pero minsan naman di ko maiwasan. Kasi mahina din ako kumain. Sa totoo lang minsan di ko maiwasan mainggit sa mommies na parang normal lang pagbubuntis. Alam ko bawal sa buntis mastress, pero di ko maiwasan lalo na pag iniisip ko kalagayan ni baby sa loob, sa tuwing magttake ako ng gamot. Tapos 1st time ko lang, hindi ko lang baka di ko namamalayan may mga mali na ako nagagawa.
I am open for advices, pampalakas ng loob. Salamat mga mommies.