bunbunan
Mga mommies may scientific explanation po ba or totoo po bang sisipunin ang baby pag hindi sinumbreluhan sa loob ng bahay? Yung byenan ko po kasi naniniwala sa hamog sa loob ng bahay. Na manipis pa ang bunbunan ng baby kaya daw sinsipon ang anak ko 27 days palang po baby ko. E kami nung bata kami kapag lalabas lang ng bahay nag sumbrelo at sabi ng pedia ni baby hindi naman need lagyan si baby ng sumbrelo if di naman sya naka aircon. Kasi pawisin ang baby ko. Base din sa mga research na nababasa ako nakakacause ng SIDS or sudden infant death sydrome ang pagsusumbrelo sa baby dahil doon nila nirerelease ang init ng katawan nila. More over po natural secretion daw po ng nose ang sipon na pinoproduce ng baby ko kaya sya may sipon. Pero gusto ko parin po makabasa ng opinyon ng iba. Kasi paulit ulit na yung lola ni baby ko. Pero ayaw ko kasi talaga lagyan si baby ko ng sumbrelo. Bale para may pang kontra lang po ako sa mga sinasabi nya ? pasagot naman po