Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Dreaming of becoming a parent
bunbunan
Mga mommies may scientific explanation po ba or totoo po bang sisipunin ang baby pag hindi sinumbreluhan sa loob ng bahay? Yung byenan ko po kasi naniniwala sa hamog sa loob ng bahay. Na manipis pa ang bunbunan ng baby kaya daw sinsipon ang anak ko 27 days palang po baby ko. E kami nung bata kami kapag lalabas lang ng bahay nag sumbrelo at sabi ng pedia ni baby hindi naman need lagyan si baby ng sumbrelo if di naman sya naka aircon. Kasi pawisin ang baby ko. Base din sa mga research na nababasa ako nakakacause ng SIDS or sudden infant death sydrome ang pagsusumbrelo sa baby dahil doon nila nirerelease ang init ng katawan nila. More over po natural secretion daw po ng nose ang sipon na pinoproduce ng baby ko kaya sya may sipon. Pero gusto ko parin po makabasa ng opinyon ng iba. Kasi paulit ulit na yung lola ni baby ko. Pero ayaw ko kasi talaga lagyan si baby ko ng sumbrelo. Bale para may pang kontra lang po ako sa mga sinasabi nya ? pasagot naman po
epidural in nodado
Sino po nanganak sa nodado hospital. Magkano po yung epidural nila kapag normal delivery
babies
Totoo po ba na kapag mahilig ka sa malamig nakakalaki ng baby sa tyan. Paexplain po mga mommies. Thankyou ??
babies bath
Lahat po ba ng public hospital hindi nililiguan yung baby nila after ipanganak. Tsaka sa public hospital lang po ba nagagamit ang idigency? Salamat sa sasagot
babies movement
Natural lang po ba na may maliit, malikot pero sunod sunod na galaw si baby sa tyan. Napapadalas kasi syang ganon kumilos. Natatakot ako baka may side effect yung iniinom ko na antibiotic. Almost 2 weeks na kasi ako umiinom non for u.t.i. Thankyou po sa sasagot
hospital
Hi po. San po kaya maganda manganak here in caloocan bagumbong. Yung public hospital po sana. Thanks po sa sasagot
lower abdominal pain
Im 22 weeks pregnant. Kagabi pa sumasakit puson ko nawawala sya tas bumabalik. 1st time nangyari to nagpacheck ako sabi ng midwife yung cervix ko daw medyo nagopen kaya need magpahinga. Pero ngayon di ko sure kasi pabalik balik lang yung sakit di sya tulad ng dati na buong araw. Pahelp naman po. Thankyou
just asking
Ano po kaya dahilan bakit naninigas tyan ko kapag kumakain ako tas parang nasusuka at nahihilo, im almost 5 months pregnant and never ako nagsuka habang naglilihi. Okay naman ako bago kumain. Tas konti lang din kinakain ko. Sana po wag nyo isagot sakin na magpacheck up kasi gusto ko rin ng point of view nyo po. Thankyou po sa mga sasagot.
balakang
Ano po ibig sabihin kapag sumasakit yung balakang hanggang puson? Natural lang po ba yon? Mag 4 months na po ako buntis sa 4. Thank you po sa sasagot
belly
Natural lang po ba manigas tyan kapag nakaupo. 12 weeks na po ako buntis thankyou