Help Po Mga Mommie! SSS employed To Voluntary, MAT1
Hi, mga mommies. Sa mga nakakaalam po sana maadvisan niyo ko. I know naman na best to ask sss but i just want to get some insights from you po. I resigned from work April (last half po nabayaran pa ng employer) and june po i found out that I'm preggy na pala. Bed rest po ako until now kasi super maselan po yung pagbubuntis ko and di ko pa po naaayos yung sss, philhealth etc. January 2020 po yung due date ko. Pwede ko pa po ba maayos yon and makapagfile ng mat 1 para po may makuha akong benefit? Pwede po ba pagsabayin yung pagchange from employed to voluntary and mat 1? If oo po, how much do i have to bring para bayaran po? What do i have to bring para po sa dalawa if ever? Thank you so much po sa mga sasagot mommies!

Yung change status nman po pupunta ka lang dun then itutuloy mo yung hulog as volunteer counted pa nman yung nahulog ng previous company pero tataas hulog mo kase icocover mo na lahat pero idedefend pa din nila yun sa monthly salary mo... Better punta kna sa SSS iguguide ka naman nila request ka ng computation para malaman mo din po kung anong month ang dapat mong habulin
Magbasa pa

