Oregano herbal

Hi mga mommies pwede po kaya ipainom ang katas ng oregano sa newborn 3 weeks old para sa halak niya and para na rin mailabas ung kinain niya pa sa tiyan ko

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Big no po. No herbal medications para sa mga babies. Ang halak ay normal lang po sa newborn, maaaring gatas yun na dumadaloy sa esophagus niya pababa dahil maliit pa lang naman sila. At yung mga kinain niya nung nasa loob pa lang siya ng sinapupunan niyo kusa niya pong ilalabas yun (poop)

nag consult na po ako sa pedia sabi dahon ng ampalaya ang inomin ko para daw maaala ung halak niya at the same time mailabas niya na ung mga kinain niya pa nung NASA Tiyan ko

Huwag mag self medicate.. Baby yan mi dapat ingatan mo. Dami napapahamak sa ganyan kawawa ang bata.. Pacheckup mo na sa pedia

VIP Member

Hi! ask your pedia for advice po about oregano if pwede sa kanya since newborn. to make sure lang po na safe ky baby.

No. Wag magpaka albularyo sa newborn, mas mapapahamak pa ang bata niyan kaysa gumaling.

VIP Member

mas okay ipacheck up nalang mommy para maresetahan muna bago magherbal

No. Punta po kayo sa Pedia para maresetahan sya ng gamot.

No, dalhin mo sa doctor para maresetahan ng tamang gamot

VIP Member

No to self medication ma, better to consult pedia.

No herbal under one consult your pedia