Chainsmoker na Tatay

Hello mga mommies! Palabas lang po ng sama ng loob sobrang nagagalit ang puso ko at gustong gusto ko na sumabog. 1 month and 27 days palang po si Baby ko, pero grabe mag yosi ang partner ko. Ilang beses ko na po siya pinapakiusapan na tigilan pero palaging oo lang at binabalewala lang. Ngayon po nag pa laboratory ako at nakita na may infection ang dugo ko, nag pa consult na ako sa Hematologist at factor daw sa pangit na resulta ng labs ko ay dahil sa pagiging 2nd hand smoker. Alam ni partner, pero balewala lang. Nag paalala na din ang Pedia na wag na mag yosi, kasi si baby baka mag ka asthma. Pero wala napaka selfish. Naasar ako, tayo mga nanay kung i pressure tayo para mag pa breastfeed para sa health ni baby, pero bat sa mga tatay walang pressure aa knila.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganiyan din partner ko, pero buti nasa puder ako ng magulang ko dahil ayaw nila na doon ako dahil silang lahat magkakapatid ay may bisyo. yosi at alak ayokong iexpose yung anak ko sa ganun dahil mahirap na baka kung ano ano pang sakit ang maibigay sa anak ko. well sa bahay din naman nagwoworry ako dahil may mga alaga kami expose siya sa balahibo kaya ang tagal gumaling ng sipon niya pero okay lang ginagamot naman tsaka sa panahon din kaya ang tagal gumaling. pinagsasabihan ko rin palagi yung partner ko na wag magyoyosi pls lang kapag pupunta siya sa bahay pero ang kulit, pumunta sa bahay ng lasing ng alas dose ng gabi eh ang pulutan nila madalas ay yosi tapos dinedeny niya pa imbis na gumaling na sipon ng anak ko nun lalong naging barado kaya ngayon 23days na siyang may sipon but still take amoxicillin since 1month and 6days palang siya hopefully na gumaling na dahil vaccination day niya na sa 26 this april. cheer up mommy kung ayaw magbago sundin mo kung ano yung gusto mong gawin wag ka mag hesitate para sa baby mo yan

Magbasa pa

Kung hindi po talaga kaya tumigil, baka pwede kahit may designated smoking area na lang sya na hindi nyo langhap mag-ina. Nakakalungkot naman po yung ganyan... 😰

1y ago

hindi rin po, dahil ang usok ng yosi nag sstay pa sa katawan yan ng matagal kahit maligo o mag toothbrush sila hindi agad agad mawawala yun kaya mahirap kapag may bisyo ang partner