Subchorionic Hematoma at 16weeks

Mga mommies, pahugot ng lakas ng loob… meron po ba dito nakaexperience ng subchorionic hematoma na nailabas ang baby ng maayos? Naubos ko na ata basahin lahat ng articles and i feel more hopeless. On-going light bleeding ko for 2weeks na, naconfine na din ako for 3days🥺😞 going 17weeks palang ako😢

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nung earlier weeks ko may Subchorionic din po ako. nagbleeding din ako nung holy week. now na 18 weeks na ko nawala na sya. bale 3x a day na duphaston at bed rest lang ako mula 6weeks ko until now actually bed rest. pero right now ay once a day duphaston na lang ako. wala naman na bleeding. nasa bahay lang ako lagi nakakastress na sa boredom. kasi nakakulong ako sa bahay mula first week of Feb until now na matatapos na ang May, nasa room lang ako nakahiga. bale nagdownload na lang ako ng games sa cp at nood ng mga food vlogging. libangin mo sarili mo at wag na masyado pastress sa kakaresearch kasi mawawala rin yan sa gamot at bed rest

Magbasa pa